Direk Roman Perez umaming certified 'Marites': Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan... Bandera

Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

Reggee Bonoan |April 29,2022
share this

Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

Reggee Bonoan April 29, 2022 - 05:28 PM

Roman Perez at Ayanna Misola

INAMIN ni Direk Roman Perez, Jr. na nagpapaka-“Marites” o tsismoso siya para malaman kung ano ang panlasa at gustong panooring pelikula ng mga mahihilig sa sine.

Hindi naman itinanggi ng isa sa blockbuster director ng Vivamax na ang mga pelikula niya ay puro sex ang tema kaya kinailangan niyang maging tsismoso para alamin sa apat na sulok ng industriya at sa publiko kung ano ang mga type ng tao.

“Yes tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan ng kabilang istasyon o network, ‘yung bagong pasok na materyal inaalam ko ‘yun.  Hinahanap natin ang tsismis sa looban.

“Ano ba ang hindi pinapanood sa mall at ano ba ang pinapanood sa streaming. Kahit tsismoso ako research based pa rin sa pagbubuo ng concept,” paliwanag ni direk Roman.

Ang latest movie niyang “Putahe” na kinabibilangan nina Ayanna Misola, Hershie de Leon, Massimo Scofield, Nathan Cajucom, Chad Solano, at Janelle Tee na produced ng Viva Films at mapapanood na sa Vivamax sa May 13 at matagal na palang pondong istorya ito ni direk Roman.

“Marami tayong nakapondong istorya pero hinahanap natin ‘yung pulso ng tao. Noong nakita ko si Ayanna Misola kakatapos lang namin ng Siklo. Sabi ko, baka dapat makita ko ‘yung innocence ng batang ito.

“Tapos napanood ko ‘yung Kinsenas Katapusan (movie ni Direk GB Sampedro), nakita ko si Janelle (Tee), wala akong ideya kay Janelle alam kong beauty queen siya, alam kong Miss Earth siya at nag-host siya ng Wowowin. Wala akong idea na mag-aartista pala talaga siya.

“Surprisingly, pinagsama sila ni Boss Vic (del Rosario) para rito (Putahe). Ikinuwento ko kay boss Vic ang istorya, nagustuhan niya kaagad ‘yung kuwento na isang island girl at isang sopistikadang babae na nag-meet.

“Hayun may bagong putahe’ yun siya. Nakita namin ang audience naghahanap talaga ng bago. Lalo na ngayon maraming umuusbong na kalaban, maraming gumagaya sa Vivamax,” paliwanag ng direktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ayanna 🦋 (@ayannamisola)


Ang “Putahe” ay tungkol sa dalawang magandang babae na nagkaroon ng ugnayan sa isa’t isa na halos pareho sa pelikulang “Adan” na pinagbidahan naman nina Rhen Escano at Cindy Miranda na idinirek ni Yam Laranas na ipinalabas noong 2019.

Inamin din ni direk Roman na habang kino-conceptualize niya ang “Putahe” ay naiisip niya ang “Adan” at gusto niyang gumawa ng part two nito.

“Gusto kong gumawa ng Adan 2 and Adan 3 at lahat ng cast sa Putahe ay bago lahat, except for Ayanna at Janelle na may previous movie na. Pero halos bago lahat, piyesta ito ng mga bagong lalaki at bagong babae ng Vivamax.

“Kaya may mga shock value pa sila (sa mga scenes), may mga pagka-introvert pa silang lahat pero sa pelikula all out sila.

“Gusto kong gumawa ng mga Celso Ad Castillo influence na dalawang babae o mga babae sa isang isla.  Gusto kong gumawa ng Isla pero ibang atake, gusto kong gumawa ng Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa kaya pinagsama-sama ko sa ganitong concept para bagong P
putahe,” pagtatapat ni direk Roman.

Samantala, gagampanan ni Ayanna ang karakter na Jenny ang babaeng taga-isla na may malaking pangarap sa buhay. Magiging masugid na tagahanga siya ng isang dayo sa isla na magaling magluto. Mapapansin rin naman siya nito dahil sa kakasunod niya dito.

Si Euka ay si Janelle na magtuturo ng pagluluto kay Jenny ngunit higit pa roon, siya ang magpapatikim sa huli ng unang karanasan sa sex.

Ito ang lekyson na hinding-hindi maliliimutan ng dalaga. Simula noon, hindi na mapigilan ni Jenny na sumiping sa kanyang nobyo na si Ephraim (Massimo Scofield). Habang tuluyan nang nawawala ang kanyang pagka-inosente, tila mawawala naman ang interes ni Ephraim sa kanya.

Abangan ang “Putahe” sa Vivamax na mapapanood sa May 13.

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Roman Perez binansagang ‘Cult Director’, type gawan ng remake ang ‘Virgin People’ nina Pepsi Paloma at Myrna Castillo

Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending