Vivamax star Ayanna Misola ayaw nang maghubad; AJ, Aljur bida sa ‘WPS’
TULUYAN nang tatalikuran ng Vivamax star na si Ayanna Misola ang paghuhubad at paggawa ng sex scenes sa mga pelikula.
Iyan ang binanggit ni Ayanna nang makaharap niya ang ilang members ng showbiz press sa naganap na presscon ng upcoming advocacy series na “WPS” (West Philippine Sea).
This is produced by Dr. Michael Raymond Aragon, ang chairman ng Kapisanan ng Mga Social Media Broadcasters sa Pilipinas Inc. (KSMBPI).
Isa si Ayanna sa napiling cast members ng seryeng “WPS” kung saan nabigyan siya ng chance na gumanap na wholesome role at hindi niya kailangang magpakita ng hubad niyang katawan.
Baka Bet Mo: Ayanna Misola sinaniban nga ba ng ligaw na kaluluwa habang nasa shooting ng ‘Ang Babaeng Nawawala Sa Sarili’?
“Yung role ko po dito, iba din po sya sa mga napapanood ninyo na sa Vivamax. Isa po ako sa mga defender dito and meron po kaming connection ni Lance (Raymundo). ‘Yung role ko po is mayaman, medyo of Chinese culture,” pahayag ng dalaga na marami na ring nagawang sexy movies sa Vivamax.
View this post on Instagram
Sey pa ni Ayanna, ito ang unang-unang pagkakataon na gagawa siya ng proyektong maisasantabi ang kanyang exy image.
“I think, ito po ‘yung first project ko na wala talagang sexy role and sobrang nagte-thank you ako kay Boss Mike Aragon kasi kung hindi dahil sa kanya siguro po, na-lock, na-stereotype na ‘ko sa mga sexy roles.
“Siya po ‘yung nagbigay sa ‘kin ng opportunity para maipakita ko po ‘yung sarili ko dito sa bagong branding.
“Masaya rin po kasi dati ko pa po gusto na maging famous sa maayos na way. Yung may impact talaga para sa mga kaedad ko,” sabi pa ng Vivamax star.
Sa tanong kung ito na ba ang hudyat ng pagbabu na sa kanyang pagiging sexy star, “Siguro hindi na po mawawala sa image ko ‘yung sexy.”
Bigla namang sumingit ang co-star nilang si Jeric Raval, ang tatay ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval, at nag-dialogue ng, “Kasi sexy ka!”
Sinagot ito ni Ayanna ng, “Opo, kasi sexy talaga ako naturally. Char! Pero ‘yung nude, hindi na po siguro.”
Patuloy pa niya, “Si Boss Mike din po ‘yung nagbigay ng opportunity sa amin para ipakita na kaya naming mag-change image.
Baka Bet Mo: Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz
“And also, kasi nga po, gusto ko po talagang maging good influence sa generation natin ngayon. Hindi lang basta sikat sa social media, gusto ko rin ‘yung may impact for future generations din,” aniya pa.
Ang grupo nina Dr. Michael Raymond Aragon, ang nasa likod ng pagsasampa ng kaso laban kina Vice Ganda at Toni Fowler dahil sa mga pinaggagawa umano ng mga ito sa iba’t ibang platforms.
Bukod dito, nagsampa rin ng KSMBPI ng criminal cases laban kay Ayanna at sa iba pang Vivamax stars tulad nina AJ Raval at Azi Acosta for alleged violation of the cybercrime law, citing “obscene publication.”
View this post on Instagram
Nabasura ang mga naturang kaso pero nasundan ito ng magandang partnership sa pagitan ng KSMBPI at ng mga nabanggit na Vivamax stars.
Pahayag naman ni Doc Mike sa kanyang advocacy series na mapapanood sa mga streaming platforms, “Ang mga talents na ‘to, hindi ko binabayaran ng TF (talent fee) ha. Libre ito.
“Even Viva is not getting any manager’s commission. Tulong ito. Ang nabibigay lang namin sa kanila ay honorarium for food, transportation, and basic expenses.
“The people here in front of you are real heroes, bayani sila. Maraming mga artista, gumagawa ng projects pero unang tanong, ‘Magkano TF ko d’yan?’ Ito, wala. Nang sinabi ko sa kanila na ito ang problema, naintindihan nila. And they’re here in front of me,” sabi pa ng producer.
Bibida rin sa “WPS” sina AJ Raval, Aljur Abrenica, Mossimo Scofield, Ali Forbes, Jerica Madrigal, Lala Vinzon, Roi Vinzon, Rannie Raymundo, Jeric Raval, Daiana Menezes, at Lance Raymundo. This action-advocacy series will be directed by Karlo Montero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.