Vivamax bombshell Ayanna Misola keribels lang magkadyowa ng 'dyutay': 'Aanhin mo ang daks kundi naman magaling sa kama!?' | Bandera

Vivamax bombshell Ayanna Misola keribels lang magkadyowa ng ‘dyutay’: ‘Aanhin mo ang daks kundi naman magaling sa kama!?’

Ervin Santiago - March 06, 2023 - 01:05 AM

Vivamax bombshell Ayanna Misola keribels lang magkadyowa ng 'dyutay': 'Aanhin mo ang daks kundi naman magaling sa kama!?'

Ayanna Misola

HIRAP na hirap ang Vivamax sexy star na si Ayanna Misola sa bago niyang pelikula, ang “Salamat Daks”.

Si Ayanna ang gaganap sa karakter ni Alma Moreno sa movie bilang si Maricar pagkatapos nitong magparetoke. Isa siyang certified NBSB o no boyfriend since birth na mai-in love sa vlogger na ginagampanan ni Nikko Natividad.

“Masayang gawin pero mahirap, kasi kailangan kong gayahin ang mannerisms ni Ms. Alma,” simulang pahayag ni Ayanna.

“To prepare for this, I watched many of her old movies. Kaya lang puro drama ang napanood ko, e comedy itong ginagawa namin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna M💫 (@ayannamisola)


“So sa shooting, nakipag-bonding ako with her and sabi niya, gayahin ko kung paano siya gumalaw. Magkaiba talaga kami kasi introvert ako and she’s very outgoing. But with the help of our director, Bobby Bonifacio, I think I pulled it off naman.

“Sa movie, ang lines ko, si Ms. Alma mismo ang nag-dub para boses pa rin niya ang ginagamit,” chika pa ni Ayanna.

Ang original title ng pelikula ay “Salamat Dok” pero ginawa itong “Salamat Daks” dahil sa karakter ni Nikko na isang vlogger na “daks” o ang tinatawag na gifted pagdating sa sukat ng pagkalalaki.

Natanong si Ayanna kung mahalaga ba sa kanya ang laki o liit ng sex organ ng lalaki, “Sa totoo lang, for me, size doesn’t matter. As long as love mo ‘yung tao, that’s what really matters.

“Alangan namang kapag hindi mo gusto ang size niya, iiwanan mo na siya? Aanhin mo ang daks kundi naman siya magaling sa kama o mabait na tao?” katwiran niya.

E, ano naman ang masasabi niya sa mga nagpaparetoke? “I’m very open minded about enhancement, kahit na nga ako mismo wala pa kong napapagawa kasi 20 pa lang ako.

“But among celebs abroad, like the Kardashians lahat sila nagpa-enhance na ng hitsura nila. Wala namang masama kung makakatulong sa ’yo, basta wag silang maging addicted to enhancements na ayaw na nilang tumigil.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ayanna M💫 (@ayannamisola)


Kumusta namang leading man si Nikko Natividad? “Noong una, nahihiya ako kasi napapanood ko siya before on TV, mas nauna siya sa akin.

“But okay pala siyang katrabaho. He even guides me on how to do comedy. Lahat silang co-stars ko rito, si Ms. Alma, Debbie Garcia and Andrew Muhlach, cool lang silang katrabaho,” sabi ni Ayanna.

Samantala, puring-puri ni Direk Bobby Bonifacio si Ayanna sa “Salamat Daks”, ang ikalawa nilang movie together.

“Si Ayanna kasi, very organic ang acting niya. Natural lang,” he says. “And she’s always asking for feedback kung okay ang performance niya.

“She really wants to improve her craft. But makikita nyo, iba ang acting niya rito kaysa sa previous movies niya. She has really improved so much,” sabi pa ni Ayanna.

Joshua Garcia ‘super daks’ daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa ‘lafangan’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending