Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa 'lafangan' Bandera

Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa ‘lafangan’

Ervin Santiago |May 14,2022
share this

Ayanna Misola pinaligaya ang sarili gamit ang buhay na isda; Janelle Tee walang arte-arte sa ‘lafangan’

Ervin Santiago May 14, 2022 - 08:23 AM

Ayanna Misola at Janelle Tee

OPENING scene pa lang ng latest Vivamax original sex-drama film na “Putahe” ay siguradong mawiwindang at masa-shock na kayo!

Napanood na namin ang bagong obra ng tinaguriang “cult director” na si Roman Perez, Jr. na pinagbibidahan ng mga palabang sexy stars ng Viva na sina Ayanna Misola, Janelle Tee at Massimo Scofield.

Siguradong matatakam at maglalaway kayo sa mga “putaheng” inihain ni Direk Roman at ng kanyang mga artista sa pelikula, lalo na sina Ayanna at Janelle na walang takot na naghubo’t hubad sa kanilang laplapan at “lafangan” scene.

Tulad nga ng nasabi namin, simula pa lang ng pelikula ay pasabog na ang eksena ni Ayanna kung saan pinaligaya niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng buhay na isda! Ha-hahahaha!

Sa presscon nga ng “Putahe” pagkatapos ng private screening nito last Wednesday ay natanong si Ayanna kung hindi ba siya natakot na biglang pumasok sa maselang bahagi ng kanyang katawan ang isda.

“Hindi naman po kasi mahigpit ‘yung hawak ko doon. Ha-hahaha!  Kailangang-kailangan ko kasi siya sa eksena. Pero nahilo siya (isda) after kaya nakawala. Nahilo siya sa mga ginawa ko sa kanya!” natatawang biro ni Ayanna.

Hirit pa niya, buti na lang daw natapos nang kunan ang kanyang “selfie sex” with a fish bago ito nakawala.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Janelle ✨ (@_janelletee)


Bukod dito, kailangan ding abangan ng mga manonood ang mga “kainan” at “lafangan” scene ni Ayanna at dating beauty queen na si Janelle Tee sa “Putahe” na siguradong ikagugulat n’yo rin.

Sabi ni Janelle, “Ito ang first out of the box na role ko. Sinasabihan ko nga si Direk, si Ayanna, lahat na kinakabahan ako at excited ako na panoorin.

“But more na kinakabahan ako kung nabigyan ko ba ng hustisya si Euka! Kasi, kaya ho ako naka-pink ngayon, dahil babae pa rin po ako! Iba sa pelikula!

“Yun ang pinaka-memorable sa akin aside sa bonding, e, yung magampanan ko yung role nang maayos.

“Kasi, sobrang kinabahan ako kung kakayanin ko ba. Pero nu’ng napanood ko, nakaya naman namin ni Ayanna.

“So, yun! Sobrang thankful din ako, lalung-lalo na kay Direk Roman sa guidance, sa lahat po ng paggabay.

“At siyempre sa buong produksiyon, sa lahat ng cast. Lahat ho kami ay napaganda namin ang pelikula at talaga pong pinaghirapan namin.

“So, I will forever treasure this first out of the box and the start of my acting career po,” lahad ni Janelle na gumaganap nga bilang si Eunice o Euka sa movie na siyang nagturo sa karakter ni Ayanna na si Jenny kung paano magluto ng masasarap na ulam at kung paano makipagtalik sa lalaki at kapwa babae.

Pagbabahagi naman ni Ayanna, “Ang pinaka-memorable experience sa akin is yung workcation. Kasi, never pa akong nagpunta sa beach. As in never pa! So, first time ito! First time ko. Ha-hahaha!

“Tapos yun, sobrang saya, kasi parang na-immerse mo talaga yung character. Hindi namin kailangang umakting. Kasi, nag-stay kami dun ng 10 days.

“At saka yung bonding ko with the cast, sina Kuya Mon (Confiado), Kuya Ronnie (Lazaro). Sobrang saya! Sobrang solid talaga nung bonding namin. Kasi nga, walang distraction, walang social media,” aniya pa.

Ibinahagi rin nina Janelle at Ayanna na nag-workshop talaga sila para sa “Putahe” with Direk Roman. Kuwento ni Janelle, “Tsaka may mga films din ako na pinanood para makuha ko yung pagiging gender-fluid nung karakter ko.”

Tawa naman nang tawa si Ayanna habang ikinukuwento ang preparations niya para sa sex scenes nila ni Janelle.

“Kasi tinatanong ko sina Direk, ‘Today ba meron kaming love scene?’ Ganyan, para kasi, di ba, makaligo ako nang maayos. Ha-hahaha!” chika ng dalaga.

Hirit naman ni Janelle, “Gusto pa niyang magpraktis! Wait lang!” Na sinundan ni Ayanna ng, “Pinuntahan ko si Janelle sa room! Sabi ko, ‘Ipraktis na kaya natin?!’

“Wala kasing tubig. Kaya inaalam ko kung may love scene ba para makaorder ako ng fresh water. Kasi, puwede namang umorder. Yun nga lang, matagal. Kasi, tatawid pa sila sa kabilang island.

“So, yun ang preparation ko. At gaya ng nasabi ni Janelle, nung una, sobrang ilang ko rin. Kinakabahan ako. Lagi ko siyang tsina-chat simula nung nalaman ko na siya pala ang kasama ko sa movie.

“Lagi ko siyang tsina-chat, tapos siya naman, sobrang comfort, OK daw. Pero ang totoo, feeling ko, naglalakas-lakasan lang siya. Pero at least, hindi naman halata sa screen na awkward kaya sana, nag-enjoy kayo!” sey pa ni Ayanna.

Kasama rin sa “Putahe” sina Carlene Aguilar, Hershey de Leon, Jiad Arroyo, Chad Solano, Nathan Cajucom at Shirley Fuentes. Napapanood na ngayon ang “Putahe” sa Vivamax.

Direk Roman Perez umaming certified ‘Marites’: Yes, tsismoso ako kahit sa kasingit-singitan…

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Vivamax sexy star Ayanna Misola sa halikan nila ni AJ Raval: Wala namang lasa pero super lambot ng lips niya

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending