Irha Mel Alfeche wagi bilang Miss Philippines Earth
ITINANGHAL bilang Miss Philippines Earth ang kandidata mula sa Matanao, Davao del Sur na si Irha Mel Alfeche.
Ginanap ang edisyon ng naturang beauty pageant nitong Sabado, May 11, sa Talakag, Bukidnon.
Tinalo ni Irha ang 28 na mga kandidata mula sa iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at tuluyang nasungkit ang koronang ipinasa ni Yllana Marie Aduana.
Ilan sa mga present sa naganap na Miss Philippines Earth ay sina Miss Earth Drita Ziri mula Albania, Miss Earth-Water Do Thi Lan Ahn mula Vietnam, and Miss Earth-Fire Cora Bliault mula Thailand.
Baka Bet Mo: Gown ni 2023 Miss Philippines Earth Yllana Marie Aduana may 5,000 perdible
Bukod kay Irha, itinanghal rin bilang “elemental” queens sina Miss Philippines-Air Feliz Recentes ng Sindangan, Zamboanga del Norte; Miss Philippines-Water Samantha Bug-os ng Baco, Oriental Mindoro; Miss Philippines-Fire Kia Labiano ng Titay, Zamboanga Sibugay; at Miss Philippines Ecotourism Ira Patricia Malaluan ng Batangas City.
Si Irha Mel Alfeche ang magiging representative ng Pilipinas para sa daratinf na 24th Miss Earth pageant na gaganapin sa Vietnam ngayong taon.
Susubukan rin ng dalaga ba maiuwi ang ikalimang korona paea sa Pilipinas sa edisyon ng Miss Earth ngayong taon.
Matatandaang unang nanalo ang pambato ng Pilipinas noong masungkit ni Karla Henry ang korona noong 2008. Pangalawa ay noong 2014 nang manalo si Jamie Herrell.
Sa kasunod na taong 2015 ay nanalo naman si Angelia Ong at ang huli sh noong 2017 nang makamit ni Karen Ibasco ang titulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.