Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz Bandera

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ervin Santiago |January 12,2022
share this

Baguhang sexy star na si Ayanna Misola walang takot sa paghuhubad, na-challenge kay Joko Diaz

Ervin Santiago January 12, 2022 - 07:36 AM

Ayanna Misola

MATAPOS lumabas bilang member ng supporting cast ng dalawang Vivamax original movies na “Pornstar 2” at “Siklo” bibida na rin sa kanyang launching movie ang palaban din sa hubaran na si Ayanna Misola.

Para kay Ayanna, ang pelikulang “Kinsenas, Katapusan” ang best Christmas at New Year gift na natanggap niya sa pagpasok ng Bagong Taon. 

Bonggang birthday gift na rin daw ito para sa kanyang ika-20 kaarawan (sa Jan. 13, 2022) kaya naman todo ang pasasalamat ng dalaga sa Diyos at sa Viva Entertainment.

Aminado naman ang baguhang sexy star na medyo nabilisan siya sa naging takbo ng mga pangyayari sa kanyang showbiz career dahil after two movies ay heto’t binigyan agad siya ng solo movie ng Viva.

“I feel so blessed po dahil baguhan lang po ako tapos may launching film na agad.

“Aware naman po ako na hindi lahat ay nabibigyan ng ganoong opportunity kaya very grateful po talaga ako sa tiwala na ibinibigay sa akin ng big bosses namin sa Viva.

“Medyo nabibigla ako dahil hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na talaga ako.

“Marami po akong mga upcoming project this year sa Vivamax na malayo talaga sa karakter ko in real life ang mga role ko, pero game lang!” pahayag ni Ayanna sa nakaraang virtual mediacon ng “Kinsenas Katapusan.”

Wala raw naging problema sa pamilya ng dalaga ang ginagawa niyang paghuhubad sa pelikula, “Tanggap na po ng family ko kung ano yung pinasok ko. 

“Naniniwala naman po sila na stepping stone ko lang po yung mga ginagawa ko ngayon at darating ang araw na hindi ko na kailangang maghubad sa pelikula,” aniya pa.

In fairness, wala pa naman daw siyang natatanggap na masasakit at malilisyosong komento sa pagpapakita niya ng hubad na katawan sa harap ng camera.

Sabi ni Ayanna, “So far, wala pa naman po. I mean, marami pong positive and negative comments. 

“Pero hindi ko po masasabi na ‘hurtful’ sila kasi hindi naman po ako apektado. Sabi nga po nila, ‘In order to insult me, I must first value your opinion,'” aniya pa.

Sinagot din niya ang tungkol sa tambalan nila sa pelikula ng action star na si Joko Diaz na may tema ngang “May-December love affair”. Pwede na kasing maging tatay ni Ayanna ang aktor sa agwat ng kanilang edad.

“To be honest, nang malaman ko po na si Kuya Joko ang magiging leading man ko sa Kinsenas, Katapusan, medyo na-challenge po ako dahil veteran actor ang makakasama ko.

“Super comfortable po na ka-work si Kuya Joko. Very professional, tinutulungan niya po ako sa mga eksena namin at palabiro po siya. Mine-make sure niya na okay ako before and after the take,” sabi pa ni Ayanna.

Kasama rin sa nasabing sexy-psycho-thriller movie sina Janelle Tee, Angela Morena at Jamilla Obispo sa direksyon ni GB Sampedro. Palabas na ito sa Vivamax simula sa Feb. 4, 2022.

Ayanna Misola nagulat nang mapiling bida sa ‘Kinsenas, Katapusan’: Sabi ko sa sarili ko, paano ko gagawin?

Joko Diaz game na game sa pakikipag-love scene kay Ayanna Misola: Alam naman ‘yan ng misis ko

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending