Joshua Garcia 'super daks' daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya! Bandera

Joshua Garcia ‘super daks’ daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

Reggee Bonoan |January 21,2022
share this

Joshua Garcia ‘super daks’ daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

Reggee Bonoan January 21, 2022 - 07:46 PM

Joshua Garcia 'super daks' daw, ani Ogie: Hindi siya conscious, proud siya!

TRENDING ang latest Tiktok dance moves ni Joshua Garcia na umabot na sa 30M kaya lukang-luka ang vlogger/talent manager na si Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa YouTube vlog nila ngayong araw.

Hindi lang sila ang nagulat maging sina ‘Nay Cristy Fermin at Romel Chika sa online show nilang “Cristy Ferminute”, si Joshua pa rin ang topic at marami ang nagpapadala ng mensahe at nababasa sa comment section na ‘kaldagin’ din daw sila ng aktor.

Going back kay Ogie ay nabanggit kasi ni Ogie na ‘super daks’ daw si Joshua kaya ang komento ng netizens ay ‘super daks moves’ ang ginawa nitong pagsayaw.

“Nakakaloka si Joshua, nakaka-tatlong video palang tapos 27M na itong views for that video alone, ha? (sabay pakita ulit ng video),” say ni Ogie,

Napa-hays naman si mama Loi, “nakaka-Ella May Saison ha, ha, haha.”

Sundot ni Ogie, “Di ba? Parang pinatunayan nga ni Joshua kasi nga (sabay pakita ng old video na inaayos ng aktor ang pantalon niya) na daks siya kasi nga pinupuna si Joshua kunwari maga-ASAP ‘yan merong sisita sa kanya na, ‘Josh paayos ‘yan kasi medyo (minuwestra ang posisyon ng private thing ng aktor) mali ang side.”

Tapos sabi ni Josh, ‘okay lang naman.’ Hindi siya conscious, proud siya.”

“Akala ko nga sa video na ‘yun kasi di ba naka-jogger siya ng gray akala ko aangat, eh, inaabangan ko, eh. Ayy inaabangan ko, ha, ha, hahaha,” humiyaw na sabi ni mama Loi.

@iam.joshuagarcia Call me 🤙🏻 #fyp ♬ Lollipop – <3

Wala namang malisya para kay Ogie ang tiktok dance na iyon ng aktor pero paulit-ulit daw niyang pinapanood.

At saka ibinuking na minsang magkasama sa hotel room sina Joshua at JM de Guzman ay, “tapos ipinaling ni JM ‘yung kanyang camera kay Joshua (pinakitang naka bathrobe ang huli) na naka-ganu’n sa sobra tapos hawak-hawak niya ‘yung kanyang junjun tapos ito ay dinelete ni JM.”

Pero kahit idinilete na ay marami na ang nakakuha ng vide.

Sa pagpapatuloy ni Ogie, “alam mo itong si Joshua sa kagaganyan niya ang dami-dami nang nagku-curious ha.”

“Ang dami-dami na nga ring nagpapatansya, di ba nga sabi ng iba ang daming nabuntis sa video na ‘yan (ipinakita ang mensahe ng netizen na may 6M na ang nabuntis) ha, hahaha,” tumawang sabi ni mama Loi.

“Nakakaloka, pag ganyan lalong pinatataas ni Joshua ‘yung kanyang mystery at tama ‘yun!” say ni Ogie.

Nagtatakang tanong naman ni mama Loi, “bakit ‘nay as manager paano nakakatulong ‘yung ganyang ano (video). Siyempre kung endowed ka that’s something to be proud of. Pero sa ibang artista may negative ibang connotation ba ‘yung ganyan

“Hindi ah, bihira kasi sa mga artista ‘yung mga daks, kasi ‘yung ibang artista naglala bakara. Kung hindi labakara tisyu na binabalot doon sa ano para magmukhang bukol. E, ‘yung kay Joshua effortless, di ba?” sagot ni Ogie.

Napahiyaw lalo si mama Loi samantalang si Dyosa Pockoh naman na nasa likod nina Ogie ay, “kababayan ko ‘yan siyempre (parehong taga-Batangas). Joshua, baka naman ibigay mo na sa kababayan mo.”

Related Chika:
Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!
Pa-kaldag ni Joshua Garcia pinayanig ang TikTok world; netizens abangers sa version ni TXT member Yeonjun

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending