Joshua 'dyodyowain' si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na! Bandera

Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!

Therese Arceo |January 20,2022
share this

Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!

Therese Arceo January 20, 2022 - 05:17 PM

Joshua 'dyodyowain' si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!

GAME na game na sumagot ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa mga tanong at mga dares sa kanya ng mga netizens pati na rin nina Darla Sauler at Alora Sasam.

Nag-participate kasi ang aktor sa benefit show ng ABS-CBN na “By Request” kung saan sumalang siya sa mga challenges na “Truth or Dare” at “Jojowain o Totropahin”.

Nang umabot na ang donasyon sa P1.8 million ay kinakailangan nang sagutin ni Joshua kung dyodyowain o totropahin ba niya ang aktres na si Ivana Alawi.

“Siyempre dyodyowain. Choosy ka pa ba? I mean mabait, ‘di ba? Maganda, sexy, lahat na. Magiging choosy ka pa ba doon?” diretsahang sagot ni Joshua.

“Pero hindi kasi lahat ng tao, masasabi mong meant para maging magkarelasyon. Alam mo ‘yun? May parang may nakatadhana sa ‘yo na mami-meet mo lang para maging kaibigan mo kasi hondi mo masasabi, ‘yun lang naman ‘yung sa akin.” dagdag ni Joshua.

Nag-comment naman ang Chief Operating Officer ng ABS-CBN na si Cory Vidanes ng “good answer” sa sinabi ng aktor.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae)

Request naman ng mga netizens, kapag umabot na ng P2 million ang donasyon ay kinakailangan niya namang i-prank call ang aktres.

“Hello, napatawag ka?” tanong ni Joshua kay Ivana.

Gulat na gulat naman ang aktres lalo na’t si Joshua naman talaga ang tumawag sa aktres.

Ngunit tila hindi naman na kinaya ni Joshua na i-prank si Ivana kaya umamin na ito na kasalukuyan silang naka-live at pinapanood ng madlang pipol.

Hindi naman pinalagpas nila Darla ang pagkakataon at tinanong nila ang aktres kung dyodyowain o totropahin ba niya ang aktor.

“Secret,” sagot ni Ivana.

Sa huli ay nagpaalam na rin si Joshua at sinabihan si Ivana na magpagaling.

Matatandaang noong August 2021 ay inamin ng kapatid ng aktres na si Mona ang pagkakaroon ng crush ng kanyang ate sa Kapamilya actor.

Bukod kay Ivana ay tinawagan rin ng aktor sina Daniel Padilla, Janella Salvador, Dimples Romana, at Charlie Dizon.

 

 

Related Chika:
Ivana aminadong nakakausap si Joshua: Alam ko nasa taping siya…

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending