AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa 'Sugapa' | Bandera

AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa ‘Sugapa’

Ervin Santiago |August 21,2023
facebook
share this

AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa ‘Sugapa’

Ervin Santiago - August 21, 2023 - 11:29 AM

AJ Raval 4 na beses pinagsasampal si Aljur Abrenica; game na game sa matitinding sex scenes sa 'Sugapa'

Aljur Abrenica at AJ Raval

MAKALIPAS ang halos isang taon ay nagbabalik na sa aktingan at umaatikabong hubaran ang Vivamax Bombshell na si AJ Raval kasama ang kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Magkatambal ang celebrity couple sa latest Vivamax Original movie na “Sugapa” mula sa direksyon ni Law Fajardo at ipalalabas na sa August 25.

Siyam na buwang nagpahinga sa pag-arte si AJ para tapusin ang kanyang high school at desidido raw siyang maka-graduate ng college kaya patuloy niyang kakaririn ang pag-aaral kasabay ng kanyang pag-aartista.

Nag-graduate si AJ last July sa pamamagitan ng ALS o Alternative Learning System at aminado siya na hindi rin naging madali para sa kanya ang bumalik sa pag-aaral.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sey ni AJ sa digital mediacon ng “Sugapa”, “Na-miss ko po yung acting, pero yung pagkawala ko po, for how many months lang po. Nagpahinga. Marami po akong nagawa, nag-aral po ako, nag-graduate po ako at saka, marami rin po akong inaral na bago.”

Samantala, ang “Sugapa” ang second movie together nina AJ at Aljur. Una silang nagkasama sa Vivamax movie na “Nerisa” noong 2021 kasama si Cindy Miranda.

“Sa Nerisa po, that time po kasi, magkuya lang naman ‘yung roles namin saka also, magkuya rin naman talaga kami that time.

“Dito naman, lalo na sa mga love scene, may awkwardness. Actually, hindi naman mawawala yung awkwardness sa lahat ng love scenes, kahit sino ang kasama mo,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “Medyo naging comfortable lang ako dito kasi si AJ (palayaw ni Aljur) yung partner ko. Also, nandiyan sina Direk Law, yung assistant director namin, gina-guide talaga kami.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin nanindigan sa ibinalitang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica: Siguro 2 buwan na ngayon

“Imagine, habang nagla-love scene kami, nandiyan yung direktor, sinisigawan kami. Comfy kami kasi wala nang walls sa amin, sa isa’t isa. ‘Yung feelings namin, nailalabas namin kung ano ‘yung totoo,” natatawang sabi pa ni AJ.

Samantala, sabi naman ni Aljur, relate na relate siya sa role niya sa movie bilang si Ben, “Yes, I can relate sa role ko kasi ganu’n din ang nangyari sa akin. Galing ako sa probinsiya, nagpunta sa Maynila to get a good job as an actor at para makatulong sa pamilya.

“Sumugal ako at nagpapasalamat ako sa lahat ng nangyari sa akin. I joined Starstruch in 2006 and after 17 years, I’m glad that I’m still here. Hindi ako sumusuko, lumalaban pa rin,” sabi ng hunk actor.

Kumusta naman sila ni AJ Raval bilang lead stars sa “Sugapa”? “Bale first time time talaga namin ni AJ, kasi sa ‘Nerisa’, wala kami masyadong eksena together.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Dito, first time ko gumawa ng ganitong explicit love scenes at mahirap, kasi iba-ibang anggulo, but masaya naman ako sa naging resulta.

“It helped that AJ and I now know each other better and we’re comfortable to do the delicate and intimate scenes together. We also appreciated ang director namin as he knows how to guide us, suwabe lang siya.

“First time lang nangyaring makatrabaho ko yung karelasyon ko at masaya kasi we’re open to each other.

“Enjoy kami sa set, nagtatawanan kami kasi yung material ng movie, mabigat, heavy drama, so off cam, we unwind, nagbibiruan kami to refresh us,” esplika ni Aljur.

Sa trailer ng movie, ipinakita ang pagsampal sa kanya ni AJ nang bonggang-bongga, “Ilang takes yun. Bale naka-four takes kami. At totoong sampal yun, ha!

“Hindi lang isa kundi mag-asawang sampal but you’d see it goes well on screen,” aniya pa.

At tungkol naman sa mga bashers na nangnenega sa kanilang relationship, “Yung bashers di na naman mawawala yan. So normal na yan.

“Basta kapag may neg comments, hindi ko na lang binibigyan ng panahon. Naka-focus na lang ako sa trabaho ko and useless namang sumagot pa,” depensa pa ni Aljur.

Makakasama rin nila sa pelikula si Art Acuña, na gaganap bilang Sarge Teodoro na may malaking papel sa pagpapahirap sa mga bida at sina Lander Vera Perez, Lou Veloso at introducing Dyessa Garcia.

Abangan ang “Sugapa”, streaming na exclusively sa Vivamax simula ngayong August 25.

AJ Raval may pa-‘Valentine reveal’, dyowa na si Aljur: I’ll always give you all the love i have in my heart

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending