AJ Raval iginiit na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie: Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko | Bandera

AJ Raval iginiit na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie: Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko

Therese Arceo |August 19,2023
facebook
share this

AJ Raval iginiit na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie: Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko

Therese Arceo - August 19, 2023 - 05:31 PM

AJ Raval iginiit na hindi siya ang dahilan ng hiwalayang Aljur-Kylie: Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng pamilya ko

MULING nilinaw ng sexy star na si AJ Raval na hindi siya ang dahilan o third party sa paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Sa pamamagitan ng Facebook live nitong Martes, August 15, sinagot ng dalaga ang hindi mamatay-matay na isyung ibinabato sa kanya ng mga netizens.

“Magsasalita ako ngayon kasi sobra na— sobra na ‘yung sinasabi ng mga tao. May nabasa ako doon, hindi ko na sasabihin ‘yung exact words pero dinadamay n’ya ‘yung pamilya ko.

Una raw niyang nakasama si Aljur sa pelikulang “Nerissa” at friends lang daw talaga sila noon. Matapos ng ilang buwang pagkakaibigan ay tuluyan na ngang nanligaw ang aktor sa kanya.

At dahil nga bago siya sa industriya, noong mga panahong tinanong siya ukol kay Aljur ay sinabi niyang nanliligaw nga ito sa kanya.

“Lumipas ang panahon, kinilala namin ang isa’t isa. Tinanong ko siya… Paano ‘yung wife, ‘yung family. Sabi niya sa ‘kin ok lang ‘yun [kasi] hiwalay na sila. May partner na rin si Kylie that time kay nag-go ako.”

Baka Bet Mo: AJ Raval sinabihang ‘mang-aagaw’, nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ang sinasabi ko lang dito, di baleng tawagin n’yo na akong kabit and all… pero I swear to God, ikamatay man ng pamilya ko ngayon… nag-start ‘yung relationship namin na wala kaming nasasaktan. Wala kaming nilokong tao,” paggigiit ni AJ.

Aniya, kilala raw niya mismo kung sino ang babaeng naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa ngunit ayaw na lang niyang sabihin lalo na’t may anak na rin daw ang babaeng involved ngayon.

Pag-amin ni AJ, “A year after [manligaw], doon kami naging official. Last year, July. Wala talaga kaming niloko, ikamatay man ng buong pamilya ko. I swear to God.”

Nakiusap rin ang sexy actress na tantanan na ang estranged wife ni Aljur na si Kylie dahil wala naman itong kaugnayan sa relasyon nila ng aktor.

“Tama na, guys. Tsaka pakinggan n’yo si Kylie. Tama na ‘yung pagta-tag sa kanya. Nananahimik ‘yung tao, ini-stress n’yo,” sey ni AJ.

Bukod pa rito, nilinaw rin niya na walang katotohanan ang pagkakaroon nila ng anak ni Aljur last year.

“Enough na please. Enough na ‘yung sa baby baby issue and buntis and all. Hindi nangyari ‘yun. Walang ganu’n.” sabi ni AJ.

Matatandaang February 14, 2023 nang unang mag-post ang dalaga ng larawan nila ni Aljur sa social media.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” sey niya sa caption.

Related Chika:
AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Pakiusap ni Kylie Padilla: Please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending