AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue | Bandera

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Therese Arceo |July 30,2022
facebook
share this

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Therese Arceo - July 30, 2022 - 10:34 PM

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue
MULI na namang dinenay ng sexy actress na si AJ Raval ang balita ukol sa diumano’y kanyang pagbubuntis sa panganay nilang anak ng rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Buong tapang na nag-live ang dalaga sa kanyang Instagram account at ipinakita ang kanyang sexy figure at para na rin mamatay na ang isyu na nagdadalangtao siya.

“Shoutout sa inyong lahat. Huwag na kayong magpaniwala sa mga tsismis. Tsaka kahit anong gawing eksplanasyon, ‘yung mga galit lang naman maniniwala doon,” saad ni AJ sa kanyang live video.

Marahil ay nagdesisyon na rin ang dalaga na ipakita ang kanyang katawan para linawin ang kumalat na isyung mayroon na raw siyang baby bump.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Nagsimula ang isyu ukol sa kanyang pagbubuntis nang ibalita ito ng kolumnistang si Cristy Fermin sa kanyang online show.

Ayon sa kolumnista, dinadala na raw ni AJ sa kanyang sinapupunan ang magiging panganay na anak nila ng aktor at rumored boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Pinabulaanan na rin ito noon ng dalaga nang magbigay siya ng mensahe sa “Frontline Pilipinas” pati na rin kay Senyora sa Facebook.

Hindi raw siya buntis bagkus nag-positibo siya sa COVID-19.

Matapos nito ay nag-post na rin si AJ sa kanyang Instagram ng mga larawan na nakasuot ng bikini habang nagtatampisaw sa dalampasigan ngunit hindi pa rin naniniwala ang mga Marites dito at sinabing throwback ang mga pictures nito.

Kaya siguro napilitan na rin siyang mag-live sa social media para tuluyan nang mamatay ang isyu at para na rin sa katahimikan ng lahat.

“Lagi niyo na lang akong ini-issue tsaka inaaway. Ayoko na ngang mabuhay sa mundo. Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue. Joke lang,” hirit pa ni AJ.

Related Chika:
AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending