AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19 | Bandera

AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19

Ervin Santiago |July 21,2022
facebook
share this

AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19

Ervin Santiago - July 21, 2022 - 07:24 AM

Aljur Abrenica at AJ Raval

PINANININDIGAN pa rin ng Vivamax bombshell na si AJ Raval ang nauna niyang pahayag na hindi siya buntis courtesy of her rumored boyfriend Aljur Abrenica.

“Fake news” daw ang naglalabasang balita tungkol sa kanyang pagdadalang-tao na unang kinumpirma ng premyadong kolumnista at TV host na si Nanay Cristy Fermin.

Sa pamamagitan ng text message na ipinadala ng aktres at anak ng action star na si Jeric Raval sa entertainment reporter na si MJ Marfori na ibinalita sa “Frontline Pilipinas” ng TV5 kagabi, tahasang itinanggi nito na siya’y nagdadalang-tao.

Ang kinumpirma ni AJ ay ang pagkakaroon niya ng COVID-19 pati na ng isang kasamahan niya sa ginagawang pelikula under Viva Films.

Sey ng dalaga, wala raw katotohanan na tinanggal siya sa mga pelikulang pinagbibidahan niya dahil nabuntis siya ni Aljur.

Kahit ilang beses nang nagdenay na si AJ, hindi pa rin nawawala ang chika na buntis siya at si Aljur daw ang ama. Muli nga itong pinag-usapan nang maglabas ng kumpirmasyon si Nanay Cristy hinggil dito sa pamamagitan ng kanyang YouTube channel na “Showbiz Now Na.”

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval. Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam ko, lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


“Umamin si AJ sa ating source, umamin na nagdadalang-tao siya. Kung hindi ka talaga buntis, magpainterbyu ka nang live. Yung makikita namin talaga yung tiyan mo na flat.

“Pagtanaw ng utang na loob yun sa mga sumuporta sa mga unang proyekto niya. Kumbaga, yung tinatawag nating sukli, ibinabalik dapat ng artista yun, kasi namuhunan ng suporta ang publiko.”

Sa ngayon, hinihintay pa rin ng publiko at ng mga Marites ang paglantad ni AJ para personal na pabulaanan ang kanyang pagbubuntis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Aljur hinggil sa umano’y pagbubuntis ni AJ.

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

AJ Raval: Sana makita n’yo si Aljur kung paano ko siya nakikita… napakabuti ng puso niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending