AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama? | Bandera

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Reggee Bonoan |July 19,2022
facebook
share this

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Reggee Bonoan - July 19, 2022 - 05:26 PM
AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

“TOTOO po mga kachika, nagdadalantao po si AJ Raval!” ang diretsong pahayag ni Nanay Cristy Fermin sa “Showbiz Now Na”.

Hirit ni Romel Chika, “Confirmed?”

“Oo” sagot kaagad ni ‘Nay Cristy.

Say naman ni Morly Alinio, “Courtesy of?”

“Aljur Abrenica,” sabi agad ng beteranang manunulat at vlogger.

Nang pumutok ang balitang buntis ang Vivamax star ay kaagad itong pinabulaanan sa amin ng manager niyang si Jojo Veloso at sinabing nagsu-shoot ito ng action movie na “Sitio Diablo” mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr..

Bukod dito ay may mga naglabas ng larawan ni AJ na flat ang tummy pero ayon sa mga Marites ay mga lumang pictures daw ito.

Sa pagpapatuloy ni Nanay Cristy, “Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak alam ko lalaking-lalaki si Aljur kaya niya ‘yan, pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Ang nakakanerbyos baka mamaya may magsulsol kay Kylie Padilla dahil hindi pa napapawalang-bisa ang kasal nila,” sabi ni Nay Cristy.

“Kurek kaya walang pag-aming naganap pero dyontis na kaagad, ganu’n?!” tanong ni Romel.

“Puwedeng kasuhan, ate Cristy!” opinyon naman ni Morly.

“Puwede, oo. At pagkakaso kay Aljur damay si AJ Raval,” sambit ni Nanay Cristy.

“Kaya super deny dapat ito,” sabi rin ni Romel.

Dagdag ni Nanay Cristy, “Walang nagsasalita sa magkabilang kampo. Tumigil na rin si AJ sa paglalabas ng mga larawan na flat na flat ang kanyang tiyan. Pero hindi po kasi makapagsisinungaling ang mga taong malapit sa kanila na aming source.

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan hindi na itinuloy. Naano lang ba ako na sayang ‘tong batang ‘to. Ang ganda ng entrada,” aniya pa.

“Siya pa naman ate Cristy ang tinawag na Pandemic Sexy Queen,” sambit ni Morly.

Sang-ayon din si Romel, “Oo saka siya ang nagpasimula ng mga kaseksihan, di ba?”

“Ang ganda ng mukha, sexy.  Inaalala ko rin si Jeric (Raval) ang kanyang dakilang ama.  Lagi kasing sinasabi ni Jeric, ‘nakakaawa nga itong anak ko, eh. Bahay lang ‘yan, bahay-trabaho lang at kapag nasasaktan, iniiyak na lang niya.  Hindi siya ‘yung basagulera.’

“Pero alam mo nangyayari talaga kasi sa isang pamilya ang ganitong paghamon.  Wala tayong magagawa talaga kung ang kapalaran ni AJ ay ang magdalang-tao ng wala sa panahon,” pahayag ng “SNN” at “Cristy Ferminute” host.

“Di ba ate Cristy kahit may mga magagaling tayo at kahit ang source natin ay talaga namang nagkukumpirma pero para sa akin ay siya (AJ) mismo ang dapat na magsalita kung siya ay nagdadalangtao,” katwiran naman ni Morly.

“Umamin si AJ sa ating source na nagdadalang-tao siya,” diin ni Nanay Cristy.

“Umamin na siya? Pero sana aminin din niya kung inamin niya sa ating source ay aminin din niya sa publiko para matapos na ang lahat,” hamon ni Morly kay AJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Mula naman kay Romel ay hindi pa nga umaaming magkarelasyon sina AJ at Aljur ay heto at malalamang buntis na.

“Sugal ito Romel. Kailangan niyang (AJ) maging matapang, malakas ang loob at maging makatotohanan. Sa pagsugal niyang ito nakataya ang career niya kung tatanggapin ba siya ng publiko bilang bagong sexy actress o tatanggap na ba siya ng mother role dahil siya ay nanay na?” pahayag ni Morly.

Nasambit din ni Nanay Cristy na noong pumutok ang tsikang may anak na si AJ dahil malalaki ang nipples nito ay wala naman daw naipakita base na rin sap ag-iikot ng mga source ng “SNN” host,  pero ngayong nagdadalang-tao siya ay sa mismong bibig ng sexy star nanggaling.

Pero base naman sa pagkakaalam ng lahat ay in good terms na sina Aljur at Kylie baka naman hindi ito mauwi sa usapang legal.

Pero ang katwiran ni Nanay Cristy, “Hindi natin masasabi dahil hindi naman natin hawak ang panahon na lalong sila ay hindi rin nila hawak ang pagkakataon, e, kung may magsulsol?”

Related Chika:
Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Ina ni AJ Raval tinawag na ‘anak’ si Aljur; nagpapasalamat dahil hindi sila pinabayaan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending