AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis | Bandera

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Therese Arceo |July 02,2022
facebook
share this

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Therese Arceo - July 02, 2022 - 11:02 AM

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

PINABULAANAN ng sexy actress na si AJ Raval ang kumakalat na chikang ipinagbubuntis noiya ang panganay nila ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Matapos nga ang ilang araw na pagiging laman ng balita at chikahan ng mga “Marites” ay tuluyan nang nagsalita ang aktres ulol rito.

Speaking of Marites, nanguna na nga si Senyora, isang sikat na Facebook page na hango sa karakter ng sikat na Mexican teleseryeng “Marimar”.

Isang screenshot mula sa isang entertainment site ang ipinadala niya sa Instagram account ni AJ at tdoretsahan niyang tinanong ang dalaga kung totoo nga ba ito.

Agad namang sumagot ang sexy actres at itinanggi ang isyu kaugnay ng kanyang pagbubuntis.

“OMG. Grabe na showbiz. Not true,” sey ni AJ.

Ibinahagi naman ito ni Senyora sa kanyang Facebook page para na rin ma-inform ang mga netizens na wala ngang katotohanan ang chismis.

Bukod rito ay nag-post na rin ng larawan si AJ sa kanyang Instagram account kung saan ibinandera niya ang kanyang flat tummy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Tila ito ang simpleng paraan ng aktres upang supalpalin ang mga Marites na patuloy na iniintriga ang kanyang buhay.

Nauna na ring pabulaanan ng talent manager ni AJ na si Jojo Veloso ang mga chika at sinabing “fake news” ito.

Aniya, nasa shooting ang aktres para sa “Sitio Diablo”. Ito ang kauna-unahang action movie ng aktres sa Viva films na pagbibidahan nila ni Kiko Estrada.

Marami raw fighting scenes si AJ sa naturang movie kaya imposibleng buntis ito dahil paniguradong hindi niya kakayanin ang shooting kung buntis nga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Angeline Quinto proud na ibinandera ang dyowa at ama ng kanyang baby

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Derek pinagbayad daw ng utang si Ellen: Love, salamat sa paluwal, alam mo naman wala pang ayuda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending