Derek pinagbayad daw ng utang si Ellen: Love, salamat sa paluwal, alam mo naman wala pang ayuda | Bandera

Derek pinagbayad daw ng utang si Ellen: Love, salamat sa paluwal, alam mo naman wala pang ayuda

Ervin Santiago |April 15,2021
facebook
share this

Derek pinagbayad daw ng utang si Ellen: Love, salamat sa paluwal, alam mo naman wala pang ayuda

Ervin Santiago - April 15, 2021 - 09:30 AM

PINAGTAWANAN lang ni Ellen Adarna ang kumalat na chikang ginagawa lang daw siyang “sugar mommy” ng kanyang fiancé na si Derek Ramsay.

“Fake news” ang sigaw ng engaged couple sa balitang bumandera sa isang social media site na hinuhuthutan lang daw ng Kapuso hunk actor si Ellen kaya niya ito pakakasalan.

Ni-repost ng dating sexy star sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng isang Facebook post  na may picture nila ni Derek na kuha sa banyo ng bahay ng aktor.

Ang nakalagay sa caption, “JUST IN ELLEN ADARNA KINUWENTO NA GINAWA LANG PALA SIYA TAGAPAGBAYAD NG UTANG NI DEREK!”

Sagot naman ni Ellen, hindi raw siya kailanman papayag na maging “sugar mommy” ng isang lalaki, “Alam naman nating lahat di ako pangit para maging sugar mommy lol. If ganyan… i just left gwapa ko ang peg lol bye.”

Sinakyan din ni Derek ang nasabing fake news at ipinost din sa kanyang IG Story na may caption na, “LOVE SALAMAT SA PALUWAL. ALAM MO NAMAN WALA PANG AYUDA! LOVE YOU @MARIA.ELENA.ADARNA.”

Samantala, aliw na aliw naman ang kanilang mga socmed followers sa mga kulitan at tuksuhan video na ipino-post nila sa Instagram, kabilang na ang bonding moments nila kasama ang kanilang mga anak.

Bentang-benta sa mga netizens ang  ibinahagi ni Derek na prank video niya kay Ellen kung saan niloko niya ang fiancée tungkol sa bago niyang “breathing exercise”.

Sa video, makikita na unti-unting inilusot ni Ellen ang kamay niya sa butas ng triangle-shaped hand gesture na ginawa ni Derek. Ngunit naloka ang aktres nang akmang duduruan na ng aktor ang kanyang kamay.

Biglang iniwas ni Ellen ang kamay kaya hindi niya nasalo ang dura ni Derek. Pinalo niya ang aktor at hinabol na parang bata.

Ani Derek sa caption ng video, “Ibang levels na to @maria.elena.adarna Pls forgive me!!” Na sinagot naman ni Ellen ng “immature” dahil daw sa edad nitong 44.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending