Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak | Bandera

Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

Reggee Bonoan - April 28, 2022 - 06:33 PM

Jeric Raval, AJ Raval at Aljur Abrenica

“SOBRANG saya po ng puso ko ngayon,” ang pahayag ni AJ Raval nang makausap namin sa Wing Zone restaurant pagkatapos ng private screening ng bago niyang pelikulang “Kaliwaan”.

Inamin ng dalaga na malaking impluwensya sa buhay niya ang taong nagpapasaya sa kanya ngayon.
“Yes po, mas gusto ko pa lalong magbago saka ang maganda po ngayon may nagga-guide po sa akin like kung ano po ‘yung tamang gawin. May mga desisyon po ako na hindi ko alam na mali (pala),” pag-amin ng dalaga na ang tinutukoy ay ang aktor na si Aljur Abrenica.

Napapanood daw ni Aljur ang mga sexy scenes ni AJ sa pelikula at wala pa naman daw pagbabawal na ginagawa sa kanya at gayun din siya sa mga eksena ng aktor na pawang baguhang sexy star ang kasama.

Kaya ang tanong sa kanya ay kung may selosan bang nangyayari sa pagitan nila ng aktor, “Nu’ng una po, pero since mas matagal na siya sa akin at naiintindihan ko na rin. Saka wala pa naman kaming (relasyon) or anything. Kinikilala pa po namin ang isa’t isa.”

Inaming nasa dating stage sila at exclusive na, “Hindi naman po ako makikipag-date sa isang guy kung hindi rin ako serious at saka alam ko ang intensyon.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Anong label na ng relasyon nina AJ at Aljur? “Parang getting to know palang din po. Mutual understanding? Naiintindihan po namin ang isa’t isa. Corny po pakinggan pero ligaw po talaga (ginagawa ni Aljur).”

Sa tanong namin kung ilang buwan nang nanliligaw si Aljur, “Nag-start po ng month ng July (2021).”

Bakit parang medyo matagal ang ligawan stage? Saka ang sabi ng tatay niyang si Jeric Raval ay boyfriend na niya si Aljur.

“Wala naman po (ata) siyang sinabing magdyowa. Kasi po ang magdyowa may commitment na po. Wala po talaga kaming commitment,” diin ni AJ.
Biro sa kanya, “Nadulas yata si father (Jeric) sa pagsasabing magdyowa na sila ni Aljur.”

Natawa langvang dalaga, “Nakikita po kasi ng father ko kung paano ako alagaan, hinahatid sa bahay.”

At dahil diyan ay inamin ni AJ na sinita niya ang tatay niya sa pagiging “Marites” nito, “Opo, kaming magkakapatid (sabay lingon sa mga kapatid). Ha-hahaha!  Tawa po kami nang tawa,” sagot ng aktres.

Pero mukhang bibigay na rin si AJ kay Aljur, “Siguro po, tulad ng sabi ko, baka malapit na rin po and if ever po hindi rin naman namin itatago. Hindi nga po kami nagde-deny kaya naba-bash kami.”

Ipinagdiinan din ni AJ na inuuna muna nila ni Aljur ang mga prayoridad nila sa buhay tulad ng career at pamilya, “Mga problem na dapat muna naming unahin, asikasuhin (sa parte ni Aljur).”

Sa tanong namin kung lagi silang nagkikita ni Aljur, “Opo lagi rin po, pero hindi naman araw-araw.  Nagbi-visit po siya sa bahay, nakikipag-bonding sa mga kapatid ko. And minsan po sa trabaho magkasama po kami like sa mga campaign po ngayon, naiimbitahan po kami,” pag-amin ni AJ.

As of this writing ay walang inamin si AJ kung sino ang sinusuportahan niyang presidente dahil ayaw niyang ma-bash pero ang magulang daw niya ay si Bongbong Marcos ang gusto.

Samantala, very open na ang kanilang families sa isa’t isa dahil inimbita na ng aktor ang pamilya ng aktres sa resort nito sa Batangas. Nakilala na rin ni AJ ang mga anak ni Aljur na sina Alas at Axl na ang tawag sa kanya ay “Ate.”

Ang tawagan nila ni Aljur ay, “tawag ko po sa kanya kuya at siya naman ay hija.”

At may nabuking din si AJ, recently lang niya nakilala ang isa pang kapatid niya sa ama na edad 16 named Sean, “Alam ko po 18 na kami, tapos nakilala ko si Sean, so pang-19 na,” natawang sabi pa ni AJ.

Pero inamin ni AJ na super close silang magkakapatid dahil pinalaki silang walang anak sa labas, at ang mga kapatid din niya ang mga kaibigan niya at gumagabay na rin sa kanya.

Anyway, sa “Kaliwaan” ay umaming nahirapan si AJ dahil apat na beses ang love scene niya at sobrang nagagalak ang aktres dahil ang ganda ng pelikula.

Nasambit niya, “Ang naging reaksiyon ko nang mapanood ito sa big screen, ‘Ganito pala kaganda yung film! Kasali pala ako dito!’ sabi ko sa sarili ko.”

Ang “Kaliwaan” ay idinirek ni Daniel Palacio under Viva Films na mapapanood naman sa Vivamax bukas, April 29.

https://bandera.inquirer.net/300206/aj-raval-matindi-ang-pinagdaanan-may-mga-death-threats-ako-galit-na-galit-sila-sa-akin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/306900/sana-makita-nyo-si-aljur-kung-paano-ko-siya-nakikita-napakabuti-ng-puso-niya
https://bandera.inquirer.net/295470/nanay-ni-aj-raval-ipinagtanggol-si-aljur-sa-basher-sino-ka-para-manghusga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending