AJ Raval nakapagtapos na sa pamamagitan ng Alternative Learning System | Bandera

AJ Raval nakapagtapos na sa pamamagitan ng Alternative Learning System

Therese Arceo |July 22,2023
facebook
share this

AJ Raval nakapagtapos na sa pamamagitan ng Alternative Learning System

Therese Arceo - July 22, 2023 - 12:55 PM

AJ Raval nakapagtapos na sa pamamagitan ng Alternative Learning System
PROUD na ibinandera ng sexy star na si AJ Raval ang kanyang pagtatapos niya sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan kung saan nakasuot siya ng toga.

“Congratulations po sa ating lahat ALS Learners,” panimula ni AJ.

Nagpasalamat rin ito sa kanyang guro na gumabay sa kanyang ALS journey maging sa pamunuan ng ALS sa San Fernando, Pampanga.

“Sa aking guro na si Sir Jay Gopez , maraming salamat po sa pag titiyaga saamin hanggang dulo at sa pamunuan po ng ALS SAN FERNANDO PAMPANGA DIVISION,” saad ni AJ.

Dagdag pa niya, “MARAMING SALAMAT PO SA INYONG ADBOKASIYA AT MABUHAY PO KAYO.”

Baka Bet Mo: Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval; hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Umani naman ng mga congratulatory messages mula sa madlang pipol ang naturang post ni AJ.

“Congrats! I’m proud of you and sa pagbabagong buhay. Those who really support you will stay,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Congrats AJ. M ALS Teacher here.”

“Congrats baby!” comment naman ni Rose Van Ginkel.

Lately ay nagbahagi si AJ ng larawan sa social media kasama ang kanyang pamilya at boyfriend na si Aljur Abrenica.

Matatandaang unang ibinandera ng sexy star ang larawan nila ng aktor noong Araw ng mga Puso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
AJ Raval nanganak na raw sa isang ospital sa Pasig, nagtakip pa ng mukha para hindi makilala?

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending