AJ Raval may tinatago nga bang 'anak' sa publiko? | Bandera

AJ Raval may tinatago nga bang ‘anak’ sa publiko?

Reggee Bonoan |November 19,2021
facebook
share this

AJ Raval may tinatago nga bang ‘anak’ sa publiko?

Reggee Bonoan - November 19, 2021 - 06:23 PM

AJ Raval 'may anak' na nga ba?

PALAISIPAN sa mga nakapanood ng latest vlog ni Ogie Diaz kasama ang mga co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh sa background ang topic nilang in-upload nitong madaling araw ng Biyernes, Nobyembre 19, sa YouTube channel nito tungkol kay AJ Raval na umano’y may anak na.

Napag-usapan ang pag-iyak ni AJ base sa screenshot sa ginanap na mediacon ng pelikulang “Crush kong Curly” kasama si Wilbert Ross ng Viva Films.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Wilbert Ross (@hashtag_wilbert)


Bungad ni Ogie, “Sabi nga ni AJ bakit siya hinuhusgahan, e, nagsasabi naman daw siya ng totoo.”

Sabay pakita sa video ang quote ng aktres na, “Alam n’yong hindi ako nagsinungaling, nagsabi ako ng totoo, pero na-judge pa rin ako. Nag-try akong mag-explain pero wala pa ring makaintindi.”

Biglang hirit ni mama Loi, “e, ‘Nay natanong din kaya sa kanya kung totoong may anak na siya?”

Napatitig si Ogie kay Mama Loi sabay sabing, “alam mo dalahira ka!”

Nanlaki rin ang mga mata ni Dyosa Pockoh sa narinig na chika tungkol kay AJ.

Natawang sagot ng co-host, “ha, ha di kasi nababasa ko sa mga kapitbahay kung may anak na siya?”

Kunot noong sagot ng talent manager/vlogger, “hintayin mong umamin ‘yung bata or mag-deny. Hindi natin alam di ba kung mayroon na nga siyang anak. Kung mayroon na nga siyang anak at itinatago niya ito, e, karapatan niya ‘yun for as long as hindi niya pinababayaan ‘yung anak niya.”

At dito nabanggit na posibleng career move ito kaya hindi inaamin ni AJ kung totoo man.

“Siguro career move! Dahil kung sakali lang ha na totoong naging dalagang ina siya at ilang taon na rin ‘yung anak niya, e, nangyari na ang nangyari. Mas naunang nangyari ‘yun kaysa sa pag-aartista niya.

“So, siguro hindi muna niya mai-reveal ‘yung kanyang anak para siyempre bilang career move siyempre gusto pa rin niyang pinapantasya pa rin siya ng mga lalaki.

“Alam mo naman dito (showbiz) di ba kapag nanganak na ang isang babae parang nababawasan na ‘yung mga nagpapantasya sa kanyang mga kalalakihan. Kaya ‘yung iba hindi muna umaamin na nanay na sila,” diin ni Ogie na inilapit ng bahagya ang mukha sa camera.

“Parang may pinariringgan ka?” balik-tanong ni mama Loi.

“Gagah! Si AJ Raval nga ang inaano (pinag-uusapan) natin kung totoong may anak na siya!,” sagot ni Ogie sabay hila ng buhok ni mama Loi.

Dagdag kuwento pa ni Ogie, “siyempre may mga producers o may mga managers na, ‘o huwag ka munang aamin ha kasi mababawasan tayo ng fans. Baka hindi ka na kunin ng mga endorsements mga ganyan-ganyan kaya tinatago muna nila. Hindi rin kasi sure kung sa pag-amin nila ay lalo pa silang papatansyahin ng mga lalaki.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hmmm, ano nga ba ang totoo AJ Raval? Bukas ang BANDERA sa panig mo o sinuman sa kampo mo.

Related Chika:
AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending