AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako... | Bandera

AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

Reggee Bonoan |November 18,2021
facebook
share this

AJ Raval napaiyak sa presscon: Hindi ako nagsinungaling pero na-judge pa rin ako…

Reggee Bonoan - November 18, 2021 - 06:39 AM

Wilbert Ross at AJ Raval

SA virtual mediacon ng bagong pelikula ni AJ Raval kasama ang bagong leading man niyang si Hashtag Wilbert Ross na “Crush Kong Curly” ay tinanong ang baguhang aktor kung pinagpapantasyahan niya ang dalaga.

Nagulat si AJ at natawa naman si Wilbert sabay sabing, “Parang hindi naman. Sexy siya, maganda, (pero) walang malisya kasi nu’ng nag-shoot kami sa movie, sobrang cool lang namin like sa lahat ng scenes so wala talagang malisya, I don’t know, ramdam mo ba na may malisya ako sa ‘yo (tanong niya kay AJ).”

Hiningan naman ng reaksyon si AJ sa sagot ni Wilbert, “Hindi rin naman talaga niya ako pinagpapantasyahan kasi sobrang cool lang ng bonding ng friendship namin ni Wilbert wala namang ganu’n.”

May intimate scenes ang dalawang bida ng “Crush kong Curly” kaya tinanong si Wilbert kung hindi siya nadala sa eksena nila ni AJ.

“Ako po honestly wala. Alam din naman po niya (AJ) ‘yun kasi intimate scenes namin mismo may mga tigil kami, usap tapos lagi kong ina-assure sa kanya na hindi siya maba-violate.

“Kaya lagi kong tinatanong sa kanya kung ano ang mga hindi dapat mangyari, mga bawal at ‘yung mga bawal na ‘yun sinisiguro ko po talaga na hindi ko magagawa,” paliwanag ng binata.

“’Yung mga bawal ‘yung mga touch-touch po, meron po akong restrictions,” saad ni AJ.

Samantala, kung kailan romantic-comedy ang tema ng pelikula at masasabing light lang ang kuwento ay dito pa nahirapan si AJ bilang si Elle kumpara sa launching movie niyang “Taya” na isang erotic thriller.

“Kasi po para sa akin sobrang layo ng personality ni Elle sa personality ko, sobrang kikay po ni Elle kaya nahirapan ako. Pero nandiyan naman po sina direk (GB Sampedro) ginayd naman po kami.  

“Sinabi naman po nila kung ano ‘yung mali na ginagawa ko at kung ano ‘yung tama. I think nabigyan ko naman ng justice ‘yung character ko,” paliwanag ng aktres.

At dahil unang pelikula ito ni Wilbert ay nahirapan din siya sa intimate scenes nila ni AJ kahit na lalaki pa siya.

“Kasi nga po first time ko, pati sa kissing scenes palang (sobrang) kabog na ng dibdib ko tapos all out kaya tinanong ko si direk kung paano ‘yung kadyot na pang kamera.

“Ginawa ko na po ‘yung best ko, walang dalawang isip tinodo ko na lahat,” natatawang sabi ni Wilbert.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Tanong ulit sa baguhang aktor kung alukin siya ng daring role tulad ng mga ginawa ni Sean de Guzman ay tatanggapin ba niya.

“Hindi ko pa po alam right now.  Hindi ko pa po alam kung ready na ako sa ganu’n kasi itong ‘Curly’ may touch of comedy kasi, so, parang nababawi sa (intimate scenes).  Hindi ko masabi for now.  Kasi two years ago sinabi ko hindi ko kayang mag-bed scene pero nagawa ko ngayon. Hindi ko po alam for now,” pahayag ni Wilbert.

Singit naman ni AJ, “Ako rin sabi ko hindi ko kaya (bed scenes), pero nagawa ko na.”

May linya sa pelikulang “respeto muna bago judgment” kaya tinanong kung nangyari na ba ito sa bida ng “Crush Kong Curly.”

Sabi kaagad ni AJ, “Yes, ako po.  Na-judge po ako, tingin ko alam ng karamihan dito (dumalo sa virtual mediacon). Hindi ako nagsinungaling nagsabi ako ng totoo pero na-judge pa rin ako.”

Sumunod ay emosyonal na ang aktres, “Nag-try akong mag-explain pero wala pa ring makaintindi (sabay pahid sa mga mata). Ayaw ko na po munang sagutin, nagwo-worry po ako na mag-explain ako tapos mami-misinterpret na naman ako ng ibang tao, thank you.”

Anyway, mapapanood ang “Crush Kong Curly” sa Dis. 17 sa Vivamax mula sa direksyon ni GB Sampedro produced ng Viva Films.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa pelikula sina Maui Taylor, Chad Kinis, Loren Mariñas, Andrew Muhlach, Madelaine Red, Sab Aggabao, Gab Lagman, Jao Mapa at Gina Pareño.

Nanay ni AJ Raval ipinagtanggol si Aljur sa basher: Sino ka para manghusga?

Madam Inutz sinorpresa ng house and lot ni Wilbert Tolentino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending