Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ Bandera

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Reggee Bonoan |August 02,2022
share this

Jeric ayaw pag-usapan ang anak na si Vanessa Raval; hindi rin suportado ang paghuhubad ni AJ

Reggee Bonoan August 02, 2022 - 02:05 PM

Jeric Raval, Vanessa at AJ Raval

BAKIT kaya tikom ang bibig ng aktor na si Jeric Raval nang tanungin ni Ogie Diaz tungkol sa anak nitong si Vanessa Raval na pinag-uusapan ngayon dahil sa mga pinagsasabi nito sa kanyang vlog sa YouTube.

Nag-viral ang pangalan ni Vanessa kamakailan na umaming “scripted” ang kuwentong may nangungulit na rapper sa kanya para mabaling ang atensyon ng publiko dahil nababalitang nagdadalang-tao ang kapatid nitong si AJ.

Hindi naman maitatangging anak ni Jeric si Vanessa dahil mas kamukha niya ito kaysa kay Vivamax sexy star na si AJ Raval.

Sa nasabing panayam ay nabanggit ni Ogie na 18 pala ang anak ng action star at si AJ ay lumaki sa piling ng tunay na asawa ni Jeric na si Holiday pero ang biological mom ng aktres ay si Alyssa Alvarez na isa sa na-link noon sa aktor.

“Pero kami ang legal parents ni AJ kasi ang nagpalaki sa kanya si Holiday,” diin ni Jeric.

Ayon pa sa aktor ay pumayag naman ang biological mom ni AJ na kina Holiday siya mapunta, “They know each other at wala naman kaming naging problema at that time na dumarating minsan na hindi kayo, hindi kayo.”

Sa ibang bansa na nakatira ang ibang anak ni Jeric at ‘yung iba ay nandito lang sa Pilipinas na nagkikita-kita naman sila kapag maluwag ang mga oras nila.

Isa-isang tinukoy ng aktor ang mga anak niya maliban kay Vanessa kaya natanong tuloy ni Ogie na, “Anak mo ba si Vanessa kasi hindi mo binanggit?”

Hindi nakasagot si Jeric at natawa muna sabay sabing, “Ano ah, tawag dito, let’s not talk about her na lang kasi hindi ko alam, wala kasi akong social media. Kapag nasa bahay ako abala ako sa gawaing bahay o kaya minsan nasa farm ako. Kaya hindi ko napapanood mga ‘yan (issue ni Vanessa).”

Habang nagsasalita ang daddy ni AJ ay ipinakikita sa screen ang larawang magkasama sina Jeric at Vanessa.

Samantala, inamin din ng aktor na hindi niya alam na pumasok na sa showbiz ang anak na si AJ dahil nga hindi siya pabor lalo na ang mga karakter na ginagampanan niya ngayon sa mga sexy film ng Viva.

“Pinasok ko sa TV5, na-reject pero nu’ng mag-guest kami sa ‘Minute to Win It’ doon siya napansin ng Viva.  Dahil nga wala akong social media kaya hindi ko alam ang nangyayari sa kanila pumirma na pala ng kontrata. Tapos may pelikula na, ganu’n kabilis.

“Wala akong alam sa mga role na ginagampanan niya, ni minsan wala pa akong napanood na pelikula niya. Ang totoo niyan hindi ko siya sinusuportahan sa mga ganu’n klaseng pelikula niya (pa-sexy).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


“E, ako nga action star ako pero pag pinanood mo mga pelikula ko wala akong torrid kissing scene. Wala akong (eksena) nakatalikod na nakita ang wetpaks, wala rin akong eksenang kunwari nasasarapan ako,” napangiting kuwento ng aktor.

Say ni Ogie ay choice pala ni Jeric na hindi panoorin ang mga pelikula ni AJ, “Oo kasi nahihiya ako. Ha-hahaha! Naaalibadbaran lang ako.  At saka hindi niya ako ini-invite pag may press preview, ganu’n!

“Nakaganito (nakatayo) ako sa sinehan tapos ganu’n ‘yung mga eksena tapos nakaganu’n ka (sabay takip ng mukha), tapos ang tao nakatingin kay Jeric kung ano reaksyon, tapos aabangan ka para interbyuhin ka. Alangan namang ganu’n ang eksena tapos papalakpak ka, ‘ang galing ng anak ko,'” katwiran ng ama ni AJ.

Pero hindi naman daw nasasaktan si Jeric dahil nasa tamang edad na ang dalaga at minsang tinanong niya kung ito ang buhay na gusto nito at masaya naman daw.

“Kung saan masaya ‘yung anak ko, sinusuportahan ko. Pansinin mo pag ‘yung anak mo lagi mong kinokontra hindi kayo close.  Me problema na ayaw pa ring magsalita sa ‘yo. Close sa akin lahat ang anak ko,” paliwanag pa.

Pati nga raw mga manliligaw ng mga anak niyang babae ay sa kanya pinapa-check kung okay, “Sabi ko, magandang lalaki lang anak pero amoy alak, ayaw ko yan, sumusunod naman.”

At dahil kontrobersyal ngayon si AJ dahil buntis kaya diretsong tanong ni Ogie kung buntis ang aktres.

“Sabi ko nga kay Bats (tawag niya) bakit kaya hindi mo sagutin?  Sabi sa akin, ‘nagsawa na ako sa kasasagot ‘Tay Eric, three months ago, four months ago.’

“Sabi ko asan ka ba ngayon at sabi nga niya nagso-shooting siya. Nasa Angeles sila ngayon tinatapos niya ‘yung movie niya sa Viva.

“Hindi (buntis). E bakit siya nagsu-shooting? Saka kung buntis, e, di mabuti at least hindi pala siya baog. Ha-hahaha!” tumawang sagot ni Jeric na ikinatawa rin ni Ogie.

Kinlaro rin ang matagal nang isyu na may anak si AJ na ayon sa tatay niya ay mga pamangkin nito ang mga batang nakikitang kasama niya sa mga lakaran at sa pictures.

Kapatid ni AJ Raval viral na rin dahil sa blind item tungkol sa ‘rapper at pangit na cheater’

Vanessa Raval ‘scripted’ nga ba ang pag-iingay sa socmed para pagtakpan si AJ?

Skusta Clee hinamon si Vanessa Raval: Paki-reveal nga kung sinong ka chat mo dyan

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending