AJ Raval sinabihang 'mang-aagaw', nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila! | Bandera

AJ Raval sinabihang ‘mang-aagaw’, nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!

Therese Arceo |February 24,2023
facebook
share this

AJ Raval sinabihang ‘mang-aagaw’, nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!

Therese Arceo - February 24, 2023 - 01:38 PM

AJ Raval sinabihang 'mang-aagaw', nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!
MUKHANG hindi na nakapagtimpi ang Vivamax star na si AJ Raval sa mga natatanggap niyang negatibong komento mula sa mga netizens ukol sa kanilang relasyon ni Aljur Abrenica.

Umani kasi ng samu’t saring komento at hindi magagandang salita ang kanyang Facebook post nitong Huwebes, February 23, na ngayon ay burado na.

“Isa pa din tong kabit mang aagaw parang walang lalaki sa mundo hahaha alam nya nya may family si A [pinatulan] din,” sabi ng netizen sa post ni AJ.

Diretsahan naman itong sinagot ng aktres at nilinaw na wala siyang inagaw o sinirang pamilya.

“Madam, FYI, walang inagaw, at lalong wala kaming nilokong tao alam yan ni Kylie, kung sira man family nila, one thing is for sure HINDI AKO ANG NANIRA NG FAMILY NILA. Bakit hindi nyo na lang i research or hanapin sino ba talaga nanira? Bakit ako ang sumasalo ng kasalanan na hindi ko naman ginawa? Anyway may you find your peace and happiness. God bless you and [your] family,” mahabang litanya ni AJ.

Mag isa pang netizen ang nagsabing “FYI madam hindi po tayo perpekto pero panigurado alam niu po ang tama sa mata ng Dios lods. Godbless.” na may kasama pang larawan ng 10 utos ng Diyos.

Sinagot rin ito ni AJ ng “May adawa ba? hiwalay LITERAL na hiwalay uulitin ko HIWALAY LITERAL A HIWALAY.. So pag si Aljur [nagkaroon] ng partner kasalanan na? Pag si Kylir nagkaroon ng partner deserve nya maging masaya? E pareho lang naman sila.”

Bukod pa rito, may netizen rin na nagsabing kahit baligtarin ang mundo, “kabit” pa rin ang dalaga dahil kasal pa rindina Aljur sa Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Lahad ni AJ, “Matapang kong hinarap yan inamin namin yan at walang nag deny, kung nag play safe or nag sinungaling rin kami noon edi sana safe na safe rin kami ngayon… that time totoo naman na ligawan stage kami at last year July 17 2022 lang naging official.

“so anong problema mo saamin? Anong deny ang sinasabi mo? Mabuti ang intention ko wala akong masamang hangarin… at hindi ko kayang manakit ng kapwa ko tao walang katotohanan yang sinasabi mo.”

At talagang no chill na si AJ sa mga negatron sa kanyang buhay at ibinandera na ang screenshot nv pag-uusap nila ni Kylie.

Makikitang una siyang nag-message sa Instagram ng Kapuso star upang ipaalam na nag-post ito ng video kasama ang kanyang estranged husband.

“Nag post na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine,” sey ni AJ kay Kylie.

Reply naman ni Kylie, “Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay.”

Nagpasalamat naman si AJ sa Kapuso actress sa pagpapaliwanag nito na hindi siya third party.

“Okay ako. Yes yes, salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sayo sainyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

“Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag isip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila,” sagot naman ni Kylie.

Mahigit kalahating taon na rin pala buhat nang maging official ang relasyon ng dalawa ngunit nitong nagdaang Valentine’s Day lang nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagbandera ng larawan nila together sa Instagram.

Related Chika:
AJ Raval may pa-‘Valentine reveal’, dyowa na si Aljur: I’ll always give you all the love i have in my heart

AJ Raval nag-IG live, dinenay ang pagbubuntis: Lagi niyo lang anong ginagawan ng issue

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending