AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis | Bandera

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis

Therese Arceo |July 27,2022
facebook
share this

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis

Therese Arceo - July 27, 2022 - 01:52 PM

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis
PINATUNAYAN ng sexy actress na si AJ Raval na walang katotohanan ang isyung pagbubuntis na patuloy pa ring kumakalat sa social media.

Nitong Miyerkules, July 26 ay ibinandera ng aktres ang kanyang sexy curves habang nakasuot ng white string bikini at nagtatampisaw sa dalampasigan.

May mga nang-iintriga sa comment section na baka old pictures ito or throwback photos pero wala namang sagot si AJ.

Matatandaang muli na namang nahaharap sa kontrobersiya ang sexy actress matapos sabihin ni Cristy Fermin na kasalukuyan niyang ipinagbubuntis ang kanilang panganay na anak ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sey pa ng kolumnista,”Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval kaya ‘yung pelikula niyang sinimulan hindi na itinuloy. Naano lang ba ako na sayang ‘tong batang ‘to. Ang ganda ng entrada.”

Ngunit pinabulaanan naman ito ng dalaga sa pamamagitan ng isang text message na ipinadala nito kay MJ Marfori sa programang “Frontline Pilipinas”.

Itinanggi ni AJ na nagdadalang tao siya ngunit kinumpirma naman niya na nagpositibo siya sa sakit na COVID-19.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

 

May nag-viral rin na video ng aktres kung saan naglalakad ito kasama ang ina na si Alyssa Alvarez matapos silang mag-grocery sa isang mall.

May isang netizen naman ang nagsabi na bakas na ang baby bump ni AJ ngunit nadaya lang sa suot na shorts.

“Tingnan n’yo mabuti, may baby bump na, hindi lang gaano halata because of shorts,” saad ng isang netizen.

Agad naman itong sinopla ng ina ng aktres at sinabing, “Buti pa kayo nakita n’yo.”

Samantala, nanindigan naman si Cristy Fermin sa kanyang naunang ulat na buntis so AJ at hinamon pa itong magpa-interview ng live para makita ng madlang pipol ang katotohanan.

Sey ni Nanay Cristy, “Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval. Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam ko, lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Umamin si AJ sa ating source, umamin na nagdadalang-tao siya. Kung hindi ka talaga buntis, magpainterbyu ka nang live. Yung makikita namin talaga yung tiyan mo na flat.

“Pagtanaw ng utang na loob yun sa mga sumuporta sa mga unang proyekto niya. Kumbaga, yung tinatawag nating sukli, ibinabalik dapat ng artista yun, kasi namuhunan ng suporta ang publiko.”

Related Chika:
AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

AJ Raval ibinandera ang flat tummy, itinangging buntis

Balitang nabuntis ni Aljur Abrenica si AJ Raval fake news daw, talent manager umalma: Nasa shooting siya at nag-aaksyon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending