Balitang nabuntis ni Aljur Abrenica si AJ Raval fake news daw, talent manager umalma: Nasa shooting siya at nag-aaksyon | Bandera

Balitang nabuntis ni Aljur Abrenica si AJ Raval fake news daw, talent manager umalma: Nasa shooting siya at nag-aaksyon

Reggee Bonoan - June 27, 2022 - 06:11 PM

Aljur Abrenica at AJ Raval

“FAKE news!” Ito ang sagot ng manager ni AJ Raval na si Jojo Veloso nang tanungin namin kung totoong buntis ang aktres.

Isa kasi ito sa mga hot topic ngayon sa showbiz at naglabasan na rin sa pahayagan na nasa interesting stage si AJ courtesy of her rumored boyfriend na si Aljur Abrenica

“Hindi ah, nasa shooting nga siya ng ‘Sitio Diablo’, sino nagsulat?” tanong sa amin ng manager ni AJ.

Ang “Sitio Diablo” ang unang action movie ni AJ sa Viva Films kasama si Kiko Estrada sa direksyon ni Roman Perez, Jr..

Ayon pa kay Jojo, maraming fight scenes ang “Sitio Diablo” kaya paano magiging buntis si AJ?

“After ng Sitio Diablo start na siya agad para sa ‘US and Her’ sa July 1 yan,” sabi pa ni Jojo.

Sa madaling salita pagkatapos ng shooting ni AJ ay segue siya agad sa bagong pelikulang “US and Her”  kasama sina Angeli Khang at Diego Loyzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)


Hmmmm, kung buntis nga si AJ ay siguradong hindi niya kakayanin ang fight scenes sa pelikuka tapos sasabak na agad sa shooting ng bago niyang movie.

Anyway, nagbigay naman ng opinyon si Manay Lolit Solis sa balitang buntis ang aktres sa kanyang Instagram account dahil ibig sabihin ay wala nang tsansang magkabalikan pa sina Aljur at asawang si Kylie Padilla.

Aniya, “Tutoo kaya ang balita kila Aljur Abrenica at AJ Raval na magkakaruon na sila ng baby?

“Naku, ibig sabihin wala na talagang balikan sila Aljur at Kylie Padilla. Akala pa naman ng lahat puwede pang magkaruon ng ayos ang relasyon ng dalawa dahil sa 2 nilang anak. Sayang naman dahil kahit away bati lagi naman nagkakasundo uli ang dalawa.

“Well, talaga siguro na ganyan ang buhay, mapaghamon talaga ang mga pangyayari. Hindi na nga siguro magkakaruon pa ng chance sila Aljur at Kylie dahil meron ng AJ sa pagitan nila.

“How sad para sa dalawang anak nila. Pero pareho naman silang may karapatan humanap ng ligaya kundi na sila magkasundo. We both wish them happiness, more than ever,” sabi ng talent manager at host.

https://bandera.inquirer.net/312031/relasyon-nina-aj-raval-at-aljur-abrenica-wala-pang-label-jeric-raval-umabot-na-sa-19-ang-anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/305995/aljur-abrenica-nilinaw-ang-viral-hotel-photos-kasama-si-aj-raval-kumain-lang-kami-at-nagbihis
https://bandera.inquirer.net/306900/sana-makita-nyo-si-aljur-kung-paano-ko-siya-nakikita-napakabuti-ng-puso-niya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending