AJ Raval may pa-'Valentine reveal', dyowa na si Aljur: I'll always give you all the love i have in my heart | Bandera

AJ Raval may pa-‘Valentine reveal’, dyowa na si Aljur: I’ll always give you all the love i have in my heart

Therese Arceo |February 14,2023
facebook
share this

AJ Raval may pa-‘Valentine reveal’, dyowa na si Aljur: I’ll always give you all the love i have in my heart

Therese Arceo - February 14, 2023 - 04:33 PM

AJ Raval may pa-'Valentine reveal', dyowa na si Aljur Abrenica: I'll always give you all the love i have in my heart
INAMIN na nga ng sexy actress na si AJ Raval ang “real score” sa pagitan nila ng aktor na si Aljur Abrenica ngayong Valentine’s Day.

Sa kanyang Instagram account ay ibinahagi niya ang larawan nila ng aktor na tila masayang nagsasayaw sa tabi ng dalampasigan.

“I’ll always give you all the love I have in my heart and love you unconditionally,” caption ni AJ.

Makikita naman ang simpleng sagot ni Aljur sa kanya na isang red heart emoji.

Agad namang umani ng samu’t saring reaksyon ang naturang post ni AJ mula sa madlang pipol.

“Hindi pwede to!” saad ni Senyora.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Comment naman ng isang netizen, “Hard launch na yarn?”

“AJ, nakakalungkot. You are now declaring urself as ‘the other woman’. Legally, Kylie and Aljur are married, blinded by vows. Sana magiging matatag ka when consequences come,” concerned na sabi naman ng isa.

Marami rin sa comment section na tumatawag ng “kabit” sa aktres at sinasabing pwede siyang makasuhan.

Totoo naman kasi na bagama’t hiwalay na si Aljur kay Kylie ay nananatili pa ring kasal ang dalawa at ngayon nga’y hayagan nang inamin ni AJ ang relasyon nila.

Pero nagpahayag naman si Kylie noon na walang issue sa kanya dahil April 2021 pa nang maghiwalay sila at nagkasundo rin sila na maaari silang makipag-date sa ibang tao.

Matatandaang noon pa man ay tinatanong na ang aktres kung magdyowa na ba sila ni Aljur na madalas ay hindi niya sinasagot nang diretso.

Ito ay nagsimula nang maglabas ng blind item noon si Xian Gaza patungkol sa male actor na kakahiwalay pa lang sa asawa at isang aktres na mula sa Viva. Agad naman kumalat na sina AJ at Aljur ang pinatutungkulan ng pambansang Marites na lalaki.

At mukha ngang tinotoo ng Vivamax actress ang kanyang pahayag noon na ibabandera at ipapaalam niya sa lahat sakaling maging sila ni Aljur.

Bago pa man ang naging pag-amin ni AJ ukol sa kanilang relasyon ay may kumalat na balita noong November 2022 na ipinanganak raw niya ang anak nila ng aktor sa isang ospital sa Pasig.

Pinabulaanan naman niya ang balitang nanganak siya pagkatapos ay nag-post ng mga larawan kung saan kitang-kita ang kanyang flat tummy bilang patunay na wala itong katotohanan.

Related Chika:
Relasyon nina AJ Raval at Aljur Abrenica wala pang label; Jeric Raval umabot na sa 19 ang anak

AJ Raval kumpirmadong buntis, si Aljur Abrenica nga ba ang ama?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Cristy Fermin nanindigan sa ibinalitang buntis si AJ Raval kay Aljur Abrenica: Siguro 2 buwan na ngayon

AJ Raval ibinandera ang flat na tiyan kasabay ng isyu ng pagbubuntis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending