Aljur Abrenica, AJ Raval ibinandera ang camping adventure sa Canada, kinalimutan nga ba ang birthday ng anak? | Bandera

Aljur Abrenica, AJ Raval ibinandera ang camping adventure sa Canada, kinalimutan nga ba ang birthday ng anak?

Therese Arceo |August 10,2023
facebook
share this

Aljur Abrenica, AJ Raval ibinandera ang camping adventure sa Canada, kinalimutan nga ba ang birthday ng anak?

Therese Arceo - August 10, 2023 - 08:13 PM

Aljur Abrenica, AJ Raval ibinandera ang camping adventure sa Canada, kinalimutan nga ba ang birthday ng anak?

BONGGA ang vacation trip ng aktor na si Aljur Abrenica kasama ang kanyang girlfriend at kapwa artistang si AJ Raval.

Kasalukuyan kasing nasa Canada ang dalawa at base nga sa kanyang latest Instagram posts ay super happy ang dalawa sa kanilang camping adventure.

“Big Fish Bay Slave Lake,” saad ni Aljur sa kanyang caption kalakip ang larawan at video nila ni AJ together.

Ngunit tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang ginawang pagpe-flex ng aktor ng kanilang masayang bakasyon sa ibang bansa dahil tila nakalimutan nito ang kanyang mga anak.

Hindi man lang daw kasi nito naalalang batiin ang kanilang panganay na anak ni Kylie na si Alas na nag-birthday noong August 4.

Kaya imbes na kililgin ang madlang pipol sa kanilang sweetness ay puro pang-ookray ang natanggap ni Aljur at AJ mula sa mga ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

 

Baka Bet Mo: Aljur Abrenica tanggap na tanggap na ng pamilya ni AJ Raval; hindi pa rin umaamin kung totoong may anak na

Sa comment section ng kanyang post ay marami ang naghahanap ng kanyang greeting para sa ika-6th birthday ng anak.

“Bday ng anak mas gusto pa kasama ang kab*t. Kaloka,” saad ng isang netizen kay Aljur.

Comment naman ng isa, “Kumusta naman ang pakiramdam na nagsasaya ka na kasama ang bago mo tas bday ng anak mo na masaya din cla na wala ka?”

“Enjoy na enjoy ah. Pero mas enjoy cna Kylie nung bday ni Alas dahil wala ka,” hirit pa ng isa.

Samantala, marami rin ang mga nagtanggol sa relasyon ng dalawa at sinabihan ang mga bashers na respetuhin ang relasyon ng dalawa at mag-move on dahil masaya na rin si Kylie.

“Bakit ang daming galit? HAHAHA mga irresponsible marites, nakikichismis na nga lang nagagalit pa kay Aljur. Sa tingin nyo affected pa sila? Wala yata kayong ibang pinakabusyhan sa life ah, inaabangan nyo lang yata life ni aljur. Hahahaha nagagalit kayo kay Cristy Fermin at Lolit Solis, eh dinaig nyo pa sila eh,” pagtatanggol ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “Sobra naman kayong mag bashed kay Aj. Yung iba below the belt na yung mga comments. Idinadamay pa ninyo yung mga anak nila. May kanya kanya na silang buhay. Pero parang kayo ang hindi maka move on. Leave Aj alone at ang mga anak niya. Intindihin niyo na lang ang mga buhay niyo mas maiigi pa. Kaysa makasakit kayo ng damdamin ng iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Paglilinaw naman ng kampo ni Aljur, nasa Canada ang dalawa dahil sa kanilang mga shows.

Related Chika:
Aljur umaming nag-cheat kaya sila naghiwalay ni Kylie: ‘Totoo naman, may pagkakamali ako’

Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending