Kylie sa pagiging 'third party' daw ni AJ sa paghihiwalay nila ni Aljur: This is the last time na magsasalita ako... | Bandera

Kylie sa pagiging ‘third party’ daw ni AJ sa paghihiwalay nila ni Aljur: This is the last time na magsasalita ako…

Therese Arceo |February 28,2023
facebook
share this

Kylie sa pagiging ‘third party’ daw ni AJ sa paghihiwalay nila ni Aljur: This is the last time na magsasalita ako…

Therese Arceo - February 28, 2023 - 05:28 PM

Kylie sa pagiging 'third party' daw ni AJ sa paghihiwalay nila ni Aljur: This is the last time na magsasalita ako...
VIRAL ngayon sa social media ang video clip ng Kapuso actress na si Kylie Padilla kung saan sinagot niya ang tanong kung masaya ba talaga siya sa relasyon ng dating asawang si Aljur Abrenica kay AJ Raval.

Aniya, sawang-sawa na raw siya na marinig ang paulit-ulit na isyu at masaya na siya sa bagong buhay na tinatahak niya.

“Sa totoo lang guys, pagod na pagod na ako sa kuwentong lumabas na ‘kabit’ ganyan, ganito ganyan. Guys, tapos na ang kuwento. I mean, [this is] my new chapter of my life,” pagbabahagi ni Kylie.

Dagdag pa niya, “Ayoko na pong nakikita ‘yung pangalan ko… kasi I’m working so hard to have a good career, na maganda ‘yung trabaho ko, tapos ‘yun lang ‘yung napapansin sa akin.”

Sabi pa ni Kylie, bagamat hindi pa rapos ang pagpoproseso ng mga mga papeles para mapawalang bisa ang kanilang kasal ni Aljur ay tapos na ang kwento nilang dalawa.

“Kung mayroon mang magtanong ngayon, I will answer but that’s the last time I will talk about this kasi happy na po ako.

“I am really happy po… kasi kapag mahal n’yo po ‘yung isang tao ayaw n’yo pong makitang malungkot ‘yung taong ‘yun. And after po noong nangyari sa amin, after nung pandemic, ayoko na po ever maramdaman namin ‘yun, and siya din,” daad ni Kylie.

Pagpapatuloy pa niya, “So kung saan siya at kung sino man ang nagpapasaya sa kaniya, I want them to take care of it and be happy. Siya po ang kahati ko sa mga anak ko so dapat masaya rin ‘yung tatay nila para buo ‘yung mga anak ko.”

Ani Kylie, masaya na rin naman siya sa kanyang buhay dahil maganda ang mga nangyayari sa kanya at sa career niya.

Muli naman niyang nilinaw na hindi si AJ ang rason ng kanilang paghihiwalay.

Lahad ni Kylie, “Sana hindi ako pagalitan ng GMA. Hindi po talaga si AJ ‘yung reason and that’s the truth. Hindi po talaga siya. At kung mayroon man po, hindi po siya. So please, naaawa na rin po ako sa kanya.

“As someone that struggles with mental health issues, ang hirap po nang gigising ka sa umaga tapos puro hate ‘yung makikita mo. Please guys, woman to woman na, hindi ako ok. It makes me emotional too. Tigilan na po natin.”

Medyo naiyak anga si Kylie habang nakikiusap na sana ay tantanan na ang kakabato ng isyu dahil hindi naman talaga si AJ ang dahilan ng pagtatapos ng samahan nila ni Aljur.

” It’s not fair to her. Tama na. Hindi po talaga si AJ Raval. She’s not lying. We’re really okay. Tigilan n’yo po please. Tama na guys kasi hindi talaga, hindi siya,” sey ng Kapuso actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Sa kabila naman ng paglilinaw na hindi “third party” si AJ ay sinabi niyang hindi na raw niya sasabihin ever kung sino dahil ayaw na raw niyang nagpapakalat ng hate sa bawat isa.

Related Chika:
Kylie Padilla pinasalamatan si AJ Raval sa pagmamahal sa kanyang mga anak

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

AJ Raval sinabihang ‘mang-aagaw’, nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending