Kylie Padilla pinasalamatan si AJ Raval sa pagmamahal sa kanyang mga anak | Bandera

Kylie Padilla pinasalamatan si AJ Raval sa pagmamahal sa kanyang mga anak

Therese Arceo |February 25,2023
facebook
share this

Kylie Padilla pinasalamatan si AJ Raval sa pagmamahal sa kanyang mga anak

Therese Arceo - February 25, 2023 - 02:59 PM

Kylie Padilla pinasalamatan si AJ Raval sa pagmamahal sa kanyang mga anak

LABIS ang pasasalamat ng Kapuso actress na si Kylie Padilla sa bagong girlfriend ng kanyang estranged husband na si Aljur Abrenica.

Ito ay base sa screenshot ng pag-uusap nila ni AJ sa Instagram na ipinost ng huli upang patunayan sa kanyang bashers na maayos ang lagay nila ng Kapuso star.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa ring bumabatikos kay lalo na nang ilantad nito ang relasyon nila ni Aljur kahit na may bisa pa rin ang kasal nito kay Kylie.

Base sa screenshot ay naunang mag-reach out si AJ sa Kapuso actress upang ipaalam na nag-post ito ng video kasama si Aljur at bilang respeto na rin.

“Nagpost na ako ng video namin ni aj, I do respect you pero gusto ko na lang din manahimik mga tao and tigil na sila sa kakahuli saamin nanawa na rin ako hehe. I hope everything is fine,” sey ni AJ kay Kylie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)

Nilinaw naman ng aktres sa reply niya na walang isyu sa part niya ang relasyon nila ni Aljur at hindi ito ang sanhi ng problema nila before. Sinabi rin nito na hindi third party si AJ.

“Ok naman ikaw? It’s fine ano ka ba. Wala namang issue sakin. Di naman ikaw ang naging problema namin sa relationship namin before. Di ko rin alam paano gagawin sa sitwasyon. Pinaliwanag ko naman na sa mga tao na hindi ka 3rd party. Hay,” lahad ni Kylie.

Nagpasalamat naman si AJ sa Kapuso actress sa pagpapaliwanag noon sa mga tao na hindi siya ang third party sa kanilang relasyon.

“Okay ako. Yes yes, salamat sa pagpapaliwanag. Na appreciate ko yon. At humihingi rin ako ng pasensya sayo sainyo sa na cause ko na gulo. Thank you sa understanding. Can I follow you?” pagpapaalam ni AJ kay Kylie.

Nagpasalamat naman ang anak ni Sen. Robin Padilla kay AJ dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanyang mga anak.

“Magulo na kami before pa ng lahat eh. Magulo lang talaga. Bka may way para maipakita natin na ok naman na ang lahat. Mag isip ako ng paraan. Kasi ayoko din yung nangyayari. Nag cacause ng stress of both sides na pwede naman maging ok tayo. Gusto ko mag thank you na inalagaan mo mga babies ko. it means everything na minamahal mo rin sila,” saad ni Kylie.

Matatandaang inamin na noon ni AJ na nakilala na niya ang mga anak ni Aljur at marahil ay nakasama at naka-bonding na rin niya base sa naging mensahe ng Kapuso star.

Samantala, sa nakaraang panayam kay Kylie ay sinabi niyang masaya siya na masaya ang estranged husband at si AJ.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
AJ Raval sinabihang ‘mang-aagaw’, nakipagbardahan sa mga bashers: Hindi ako ang nanira ng family nila!

Kylie sa pag-amin nina Aljur at AJ sa kanilang relasyon: ‘No joke, I’m just happy that everyone’s finding their happiness already’

Kylie Padilla nakamove-on na nga ba kaya walang pake kina Aljur at AJ?

Kylie sa pamba-bash kina AJ at Aljur: I wish you guys are more careful, don’t blame it on me

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending