Aljur umaming nag-cheat kaya sila naghiwalay ni Kylie: 'Totoo naman, may pagkakamali ako' | Bandera

Aljur umaming nag-cheat kaya sila naghiwalay ni Kylie: ‘Totoo naman, may pagkakamali ako’

Ervin Santiago |April 03,2023
facebook
share this

Aljur umaming nag-cheat kaya sila naghiwalay ni Kylie: ‘Totoo naman, may pagkakamali ako’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 08:43 AM

Aljur umaming siya ang may kasalanan sa paghihiwalay nila ni Kylie: 'Totoo naman, may pagkakamali ako'

Kylie Padilla at Aljur Abrenica

“INA-ADMIT ko naman, may pagkakamali talaga ako,” ang diretsahang pag-amin ni Aljur Abrenica sa paghihiwalay nila ng kanyang estranged wife na si Kylie Padilla.

Ayon sa hunk actor, kasalanan niya ang lahat kung bakit nawasak ang marriage nila ni Kylie na nagresulta nga sa tuluyang breakup.

Sa panayam kay Aljur ni Toni Gonzaga na mapapanood sa YouTube channel nitong “Toni Talks”, diretsahan siyang tinanong tungkol sa panloloko niya sa dating asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Alam mo bang ang iniisip ng mga tao the reason why your marriage fell apart is because you cheated? Ano ang reaksyon mo pag ‘yun ang iniisip ng tao? The reason why your marriage fell apart is because ikaw ang may kasalanan. You cheated,” ang question ni Toni sa aktor.

“Yeah, totoo naman, totoo naman ‘yun. On my part, oo. Ina-admit ko ‘yun, may pagkakamali ako,” ang sagot ni Aljur.

Baka Bet Mo: Carla tuloy ang pagla-like sa pang-ookray ng netizens kay Tom; imposible na bang magbalikan?

Sabi ng dating asawa ni Kylie, feeling niya ang biggest mistake na nagawa niya habang nagsasama pa sila, “Hindi ako nagkaroon ng time sa kanila. Nu’ng nagkaroon ako ng takot to provide. Nawalan ako ng oras, so nawala ‘yung komunikasyon.”

Ginawa naman daw niya ang lahat para ma-save ang kanilang marriage, “Pero hindi na talaga magwo-work. Mare-realize mo na I have to accept kasi hindi na talaga. Kasi ginawa ko na lahat. At siya rin, ginawa na rin niya lahat. In fairness to her.”

Kumusta naman ang estado ng puso niya ngayon, “Sapat lang. Sapat sa pagmamahal sa sarili ko, sapat sa pagmamahal ko sa Panginoon, sa mga anak ko, sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko. Sapat. Hindi labis, hindi kulang.”

Sundot na tanong ni Toni, “Sapat ba ‘yan for the new love of your life?” na ang tinutukoy ay ang girlfriend niya ngayon na si AJ Raval.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sapat ako, okay ako,” maikling sagot ni Aljur.

Pagpapatuloy pa niya, “Iniisip ng mga tao, manhid ako. Pero hindi. Maramdamin talaga ako. Lahat ng nababasa ko, masakit ‘yan. Kaya hindi ako nagbabasa. Kilala ko ‘yung sarili ko. So, I just put my ano, my effort and time sa mas importante sa tingin ko.”

“I have to accept the fact na talagang hindi na kami magkasama, ng ex-wife ko. Ang mangyayari kasi, I have to be always the best of myself kasi I have to accept na hindi na kami magkasama.

“Ang iisipin ko ba, maglulugmok ba ako do’n na hindi na kami magkasama? Magpapadala ba ako do’n o tanggapin ko na lang? O ito ‘yung mga pwede kong gawin, ‘yun na lang ang gagawin ko,” sey pa ni Aljur.

Sa ngayon, ang pinakamahalaga raw sa buhay niya ay ang kanyang mga anak.

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Derek sa pag-aming siya ang nakipag-break kay Andrea: Gusto kong matahimik na dahil ikakasal na ‘ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending