Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss...#truth | Bandera

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Ervin Santiago |January 16,2022
facebook
share this

Hugot ni Kris sa biglang paghihiwalay nila ni Mel Sarmiento: It’s not my loss…#truth

Ervin Santiago - January 16, 2022 - 08:16 AM

Mel Sarmiento at Kris Aquino

MULA nang ipaalam ng TV host-actress na si Kris Aquino ang tunay na estado ng kanyang health condition ngayon, patuloy pa rin ang pagdami ng mga taong nagdarasal para sa kanyang paggaling.

May mga tao mang nangnenega sa kanya sa kabila ng kanyang iniindang karamdaman, mas marami pa rin ang mga prayer warriors na nananalangin na sana’y bumuti na ang kalusugan ng Queen of All Media.

Bukod sa mga loyal fans and social media followers ng mama nina Joshua at Bimby, naalarma rin ngayon ang kanyang mga celebrity friends nang makita ang sobrang kapayatan ni Tetay.

Ilan sa mga nagparamdam ng kanilang pag-aalala sa kundisyon ngayon ng aktres nang makita ang mahabang Instagram post nito nitong nagdaang Jan. 12, kalakip ang isang video, ay sina Angeline Quinto, Melai Cantiveros at Jason Francisco, Jason Abalos, K Brosas, Darla Sauler, Marlo Mortel, Robin Padilla at marami pang iba.

May mga nagkomento sa post ni Kris na talagang sinasagot niya tulad na lang ng nagsabing, “Unahin mo health mo ms kris bago ibang tao just think of your sons.”

Reply sa kanya ng TV host, “Remember the lines in the song..

“Walang sino man ang nabubuhay para sa sarili lamang

“Walang sino man ang namamatay para sa sarili laman

“Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t isa

“Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling nya.”

Isa pang follower niya sa IG ang sinagot ni Kris na nag-comment pa sa break-up nila ng kanyang ex-fiancé na si Mel Sarmiento.

Aniya, “GET WELL SOON MADAM, ALWAYS REMEMBER MADAMI NAG MAMAHAL SAYO KAHIT WALA SI *** #lovelovelove.” Na sinagot ni Kris ng, “It’s not my loss. #truth.”

At dahil nga sa makahulugang statement na ito ni Kris ay marami ang nag-iisip na mukha ngang hindi maganda o maayos ang paghihiwalay nila ng dating kalihim ng Department of Interior and Local Government.

Walang kongkretong dahilan na ibinigay sina Kris at Mel tungkol sa kanilang biglaang paghihiwalay. Narito ang ilang bahagi ng official statement ni Kris.

“Sa pinagdadaanan ko ngayon, may tao ba gustong pagusapan pa ang kanyang paghihiwalay?

“But in order for me to be able to peacefully move on, and focus on myself and my health, BECAUSE my sons still need me, kuya josh has autism, and bimb will only turn 18 in 3 years, 3 months, and 16 days, i must end this chapter.

“I will just post screenshots of Mel’s last text message to me. After that you will never read nor hear anything at all about him from me, because i still want to preserve whatever dignity i have left.

“By doing this i only request for some respect for my humanity and privacy now and in the coming months when i fight for my health… because i was BRAVE enough to show you and tell you the TRUTH,” paliwanag pa ni Kris.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Kristina Bernadette Cojuangco Aquino (@krisaquino)

Lolit apektado sa hiwalayang Kris Aquino-Mel Sarmiento: Deserving kang mahalin

Paghihiwalay ng kontrobersyal na showbiz couple may mas malalim pang dahilan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending