Kylie Padilla umaming super fan ng tambalang Kimerald: 'Talagang nanonood ako sa sinehan ng mga pelikula nila' | Bandera

Kylie Padilla umaming super fan ng tambalang Kimerald: ‘Talagang nanonood ako sa sinehan ng mga pelikula nila’

Ervin Santiago |April 03,2023
facebook
share this

Kylie Padilla umaming super fan ng tambalang Kimerald: ‘Talagang nanonood ako sa sinehan ng mga pelikula nila’

Ervin Santiago - April 03, 2023 - 06:56 AM

Kylie Padilla umaming super fan ng tambalang Kimerald: 'Talagang nanonood ako sa sinehan ng mga pelikula nila'

Kylie Padilla, Kim Chiu at Gerald Anderson

ISANG certified Kimerald fan ang Kapuso actress na si Kylie Padilla. Yan ang harap-harapan niyang inamin kay Gerald Anderson at sa entertainment media kamakailan.

Kuwento ni Kylie, talagang nanonood siya ng mga pelikula nina Gerald at Kim Chiu noong kasagsagan ng kasikatan ng tambalang Kimerald.

First time magsasama sa pelikula sina Kylie at Gerald, kaya natanong sila sa presscon ng “Unravel: A Swiss Side Love Story” (pagkatapos ng special screening) kung ano ang impression nila sa isa’t isa noong una silang magkita sa kanilang look test.

Sabi ng Kapamilya hunk sa mediacon ng kanilang 1st Summer Metro Manila Film Festival entry noong March 29, “That was maybe one week before kami lilipad for Switzerland.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


Sey ng aktor, alam niyang magaling na aktres si Kylie base na rin sa mga teleseryeng nagawa nito sa GMA 7 nitong mga nagdaang taon.

Chika naman ni Kylie, “Nakakahiyang aminin but I was a fan. Fan ako ng Kimerald, sorry! Ha-hahahaha!” sabay layo kay Gerald.

“Naging honest lang ako. Nanonood ako sa sine ng mga pelikula nila. But then nu’ng nandu’n na kami, I need to be professional. Talagang tinanggal ko lahat yun, and nagtrabaho ako,” dugtong na sabi ni Kylie.

Ayon naman sa aktor, “Kahit hindi ko pa siya nakakasama, alam ko na si Kylie is a very good actress and I’m very privileged na na-witness ko yan in person and nakaeksena ko siya.

Baka Bet Mo: Kylie inatake ng anxiety habang nasa shooting, ‘ginamot’ ng alagang aso: Canine therapy is real!

“But more than anything, napaka-humble, napaka-down-to-earth. And very cowboy din. Sa ganu’ng klaseng shoot, kailangan kalma lang, kaya mong mag-adjust. Kasi maraming puwedeng mangyari.

“Nasa abroad kami, hindi namin hawak yung lugar. So she was very professional, and naging mas madali ang shoot,” lahad ng binata.

Papuri pa ni Gerald sa kanyang leading lady, sa look test pa lang ay komportable na agad sila sa isa’t isa, “Tulad ng sinabi ko kanina, madaling katrabaho si Kylie. She’s very humble, masarap kausap.

“Wala namang kailangang mag-effort pa because everything just came together, very natural. And again, mahal niya ang trabaho niya. At isa yan sa pinakaimportante,” aniya pa.

Dagdag chika pa ni Kylie, “So even Lucy and Noah (mga karakter nila sa Unravel) were strangers when they first met, and ako personally ginamit ko yun. I used whatever was available.

“And ganu’n, unti-unti nag-o-observe. Kasi mahiyain din ako. Sobrang tahimik ako pero nag-o-observe ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ☽ k y l i e ♡ (@kylienicolepadilla)


“And you know, feeling ko, nagamit ko yun, so nothing’s awkward. Tinanggal ko talaga yung fan ng Kylie para makapag-focus ako. Kasi kung magpo-focus ako dun, hindi ako makakaarte,” pahayag pa ng estranged wife ni Aljur Abrenica.

Sa tanong kung anu-ano ang nadiskubre nila sa isa’t isa habang nagsu-shooting sa Switzerland kung saan kinunan ang halos kabuuan ng movie?

Unang sumagot si Gerald, “Na-discover ko lang kay Kylie, yung naramdaman ko sa unang look test pa lang namin. Na alam kong magiging masaya to, adventure, she’s very adventurous.

“Kahit sobrang takot na takot siya du’n sa skydiving namin saka sa canyon swinging, sobrang takot siya talaga pero ginawa pa rin niya. Ginawa niya for the love of the craft… very brave. Very brave!” dagdag ni Ge.

Ayon naman kay Kylie, “Very quiet siyang magtrabaho din, e. But I can see his process… na-observe ko, he’s very open and very generous. And bilang isang artista, yun yung gusto mo, e. Yung nagbibigay din, hindi yung ikaw lang ang nagtatrabaho mag-isa! Ha-hahahaha!”

Sey ni Kylie ngayong single na uli siya: Ang dami kong natututunan sa sarili ko…pero siyempre, masakit pa rin

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie naka-move on na sa hiwalayan nila ni Aljur: I’m really, really happy now!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending