Hirit ni Vin Abrenica kay Kylie Padilla sa fight scenes nila: Kamukha ko naman di ba? | Bandera

Hirit ni Vin Abrenica kay Kylie Padilla sa fight scenes nila: Kamukha ko naman di ba?

Therese Arceo |March 03,2023
facebook
share this

Hirit ni Vin Abrenica kay Kylie Padilla sa fight scenes nila: Kamukha ko naman di ba?

Therese Arceo - March 03, 2023 - 08:57 PM

Hirit ni Vin Abrenica kay Kylie Padilla sa fight scenes nila: Kamukha ko naman di ba?

IBINUNYAG ng aktor na si Vin Abrenica na minsan raw ay binibiro niya si Kylie Padilla tuwing mayroon silang fight scene sa bagong teleserye.

Magkasama kasi ang dalawa sa bagong Kapuso teleserye na “Mga Lihim Ni Urduja” na pumalit sa “Maria Clara at Ibarra”.

Na-interview kasi si Vin ni Nelson Canlas na mapapanood sa Instagram page ng reporter.

Chika ni Nelson, may mga nagko-comment raw na “Huy Kylie, ibang Abrenica yan’.

Para sa mga taong hindi aware, si Vin ay ang nakababatang kapatid ni Aljur Abrenica na estranged husband naman ng Kapuso actress.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nelson Canlas (@nelsoncanlas)

Pagbabahagi rin ni Vin, “Hindi lang ‘yon, alam mo ba, habang nagi-eksena kami do’n na parang, ‘O ayan na, ayan na, gumanti ka na lang sa kapatid’.

“Nasa eksena ako, parang ‘anong pinagsasasabi nito?'”

Natatawa na nga lang raw si Vin sa mga naririnig at sa mga nababasang komento ng mga netizens.

Minsan nga raw ay maging siya ay binibiro na lamang niya ang Kapuso actress at sinasakyan na rin ang mga sinasabi ng madlang pipol.

“Minsan nga binibiro ko na nga si Kakai (Kylie), ‘Oh Kakai, kamukha ko naman diba? Ilabas mo na lahat sa akin’,” pabirong hirit ni Vin.

Nananatiling maayos naman ang relasyon ni Kylie at ni Aljur sa kabila ng paghihiwalay nito na kinumpirma mismo ni Robin Padilla noong 2021.

Matatandaan na kamakailan lang ay umamin si Aljur ukol sa tunay na relasyon nila ni AJ Raval at masaya naman si Kylie para sa dalawa.

Nilinaw rin niya na hindi si AJ ang sanhi ng hiwalayan nila ng kapatid ni Vin ngunit hindi rin nito sinabi kung sino talaga dahil gusto na lang niyang iwasan ang maging sanhi ng pagkalat ng mga hate messages lalo na’t masaya siya sa nangyayari sa kanyang career at personal life.

Related Chika:
Vin Abrenica nasaktan din sa hiwalayang Aljur at Kylie: ‘OMG! Kung anuman ang nangyari sa kanila…I got so affected’

Vin Abrenica, Sophie Albert nagpakasal na makalipas ang 10 taong relasyon: ‘I have found the one whom my soul loves’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

#WalaNangAtrasan: Vin Abrenica, Sophie Albert naghahanda na sa kanilang bonggang wedding

Kylie dumami ang trabaho mula nang makipaghiwalay kay Aljur, mas naging close pa raw kay Vin dahil sa ‘Urduja

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending