Aljur Abrenica bukas pa rin sa ‘second chance’ nila ni Kylie Padilla: Part of myself is siya na e… | Bandera

Aljur Abrenica bukas pa rin sa ‘second chance’ nila ni Kylie Padilla: Part of myself is siya na e…

Pauline del Rosario |November 21,2022
facebook
share this

Aljur Abrenica bukas pa rin sa ‘second chance’ nila ni Kylie Padilla: Part of myself is siya na e…

Pauline del Rosario - November 21, 2022 - 11:23 AM

Aljur Abrenica bukas pa rin sa ‘second chance’ nila ni Kylie Padilla: Part of myself is siya na e…

PHOTO: Instagram/@ajabrenica

POSIBLE pa ring magkaroon ng second chance ang dating mag-asawa na sina Kylie Padilla at Aljur Abrenica.

‘Yan ang naging rebelasyon ng aktor matapos siyang tanungin sa isang one-on-one interview kasama ang entertainment writer at TV host na si Aster Amoyo.

Bagamat hindi sinagot ni Aljur kung mahal pa rin niya si Kylie, umamin ang aktor na parte na ng kanyang buhay ang aktres.

Sey ni Aljur sa panayam, “Hindi naman siya mawawala.

“Isang dekada kami magkasama, part of myself is siya na e.”

Dagdag pa niya, “Hindi ko alam kung paano ko mapu-put into words pero hindi siya mawawala do’n.”

Nasundan pa ito ng tanong ni Aster sa aktor kung hindi pa ba niya sinasarado ang posibilidad na sila’y magkabati pa.

Tanong ng TV host, “But you’re not closing your doors to the possibility [of reconciliation]?”

Agad namang sinabi ni Aljur na, “May nag sarado ba?”

Patuloy pa ng aktor, “‘Yung iba nga sinasabi nila wala na talaga pero meron pa, ‘di ba? Wala namang nakakaalam kung anong mangyayari.”

Ani pa ni Aljur, “Hindi ko nga alam na maghihiwalay kami e. Hindi ko nga alam na magkakaanak kami, ‘di ba?”

Isa rin sa mga naging topic ng interview ay tungkol sa co-parenting setup ng dalawa.

Kwento ng Kapuso aktor, “Sa co-parenting kami nagfo-focus ngayon kasi iisipin niyo na ‘yung mga bata e. Almost everyday nag-uusap kami.”

“Kahit hiwalay kami, we’re still learning from each other how to be good parents,” aniya.

Sa huli, lubos na pinasalamatan ni Aljur ang fans na patuloy pa ring sumusuporta sa kanila matapos ang paghihiwalay nila ni Kylie.

Nanawagan din siya na respetuhin sana ng iba ang kasalukuyang sitwasyon.

Sey niya, “Naa-appreciate ko ang lahat, thank you. Even though ‘yung iba nagagalit and may sinasabi sa aking masama, I appreciate that kasi naramdaman ko ‘yung sakit nila.”

“Nasaktan din naman ako, nasaktan kaming dalawa,” patuloy niya.

“Respeto na lang kung ano ‘yung pinagdadaanan namin. Hindi naman talaga alam ng lahat kung ano talaga ‘yung nangyari,” dagdag pa niya.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.

Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang noong panahon na ‘yun.

Related chika:

Aljur Abrenica nasaktan sa sinabi ng anak, binasted nga ba ni AJ Raval?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur Abrenica may magkaibang regalo kina AJ Raval at Kylie Padilla, ano kaya ito?

Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending