Aljur Abrenica may magkaibang regalo kina AJ Raval at Kylie Padilla, ano kaya ito?
SA pagdating ng nalalapit na Kapaskuhan ay inihayag ng aktor na si Aljur Abrenica na may magkaibang regalo siyang nais ibigay kina Kylie Padilla at AJ Raval.
Ayon sa kanyang panayam sa showbiz insider na si Morly Alinio sa kanyang YouTube vlog.
Dito kasi ay natanong si Aljur ng kanyang mga future plans lalo na at ilang linggo na lang ay Pasko na.
Pagkukwento ng aktor, panigurado raw na magiging marami ang mga gatherings na dadaluhan niya.
Natanong rin si Aljur kung ano ang plano niyang iregalo sa kanilang mga anak ni Kylie na sina Alas at Axl.
Tulad ng ibang mga bata, laruan na talagang gustung-gusto ng kanyang mga anak ang balak niyang ibigay sa mga ito. Mag-motocross raw ang nais ni Alas samantalang excavator naman ang gusto ni Axl.
View this post on Instagram
Hindi rin naman maiwasang matanong si Aljur ng isa pang reporter kung ano naman ang nais niyang iregalo sa sexy actress na si AJ Raval.
Matatandaang matagal na ring iniuugnay ang aktor kay AJ ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring kumpirmasyon kung ano nga ba ang estado ng relasyon ng dalawa.
“Ang gusto ko lang sa kaniya, ano eh, maging masaya siya. Na lahat ng wishes niya, lahat ng makakabuti para sa kaniya, mangyari. Di ko alam kung maibibigay ko ‘yun, pero wini-wish ko ‘yun para sa kaniya,” pagbabahagi ni Aljur.
Sinundan naman ito ni Morly ng tanong kung ano naman ang kanyang balak ibigay sa estranged wife niyang si Kylie at ang sagot nito ay “commitment”.
“Commitment na I’ll always be there for her and our kids. My attention, time, lagi akong nariyan para sa kanila whenever they need me and love,” sagot ni Aljur.
Matatandaang nitong nakaraang taon ay kinumpirma ng ama ng aktres na si Sen. Robin Padilla na tuluyan na ngang naghiwalay ang dalawa.
Sa kabila naman ng paghihiwalay nina Aljur at Kylie ay nagdesisyon ang dalawa na maging magkaibigan at mag-coparenting sa kanilang dalawang anak dahil ito pa rin ang kanilang priority kahit na hindi nag-work ang kanilang pagsasama.
Related Chika:
Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval
AJ Raval pinanindigan na hindi siya nabuntis ni Aljur, pero umaming tinamaan ng COVID-19
Kylie may patutsada matapos ang ‘breaking silence’ post ni Aljur
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.