Aljur Abrenica nasaktan sa sinabi ng anak, binasted nga ba ni AJ Raval? | Bandera

Aljur Abrenica nasaktan sa sinabi ng anak, binasted nga ba ni AJ Raval?

Pauline del Rosario |November 17,2022
facebook
share this

Aljur Abrenica nasaktan sa sinabi ng anak, binasted nga ba ni AJ Raval?

Pauline del Rosario - November 17, 2022 - 04:13 PM

Aljur Abrenica nasaktan sa sinabi ng anak, binastes nga ba ni AJ Raval?

PHOTO: Facebook/Aljur Abrenica

MAY pag-amin ang Kapuso actor na si Aljur Abrenica tungkol sa mga isyung matagal nang binabato sa kanya.

Inilabas ‘yan sa isang teaser ng one-on-one interview ng aktor kasama ang entertainment writer at TV host na si Aster Amoyo.

Ilan lang sa mga pinag-usapan ng dalawa ay ang estado nila ng rumored girlfriend na si AJ Raval at ang isyu sa hiwalayan nila ng dating asawa na si Kylie Padilla.

Pero agaw-pansin sa madlang pipol ang isang portion ng teaser na kung saan ay ikinuwento ni Aljur ang pag-uusap nila ng kanyang anak na labis siyang nasaktan.

Sinabi raw sa kanya ng anak na hindi niya mahal ang nanay nila na si Kylie.

Sey pa ng aktor, “Tinanong niya ako, ‘Papa hindi mo love si mama,’ ang sakit ‘nun. ‘Yun lang ang naalala niya.”

May ibinahagi rin si Aljur tungkol sa hinanakit niyang umano sa mga taong nakasama na nagbigay ng maling payo sa kanya.

Sabi ni Aljur, “Ang mga nakapalibot sakin, mga maling tao talaga na wala na talaga sa buhay ko ngayon. May sari-sarili silang interest eh.

“May pinaglalaban ako, oo pero ‘yung advice nila, mali.”

Tila naging kontrobersyal din ang isa pang bahagi ng video na tinanong siya ng TV host kung niligawan ba niya si AJ.

Umamin naman agad ang Kapuso aktor, pero may nabanggit pa siya tungkol sa na-basted siya.

So, binasted nga ba siya ni AJ? Hindi pa klaro ang tunay na sagot ni Aljur sa interview bilang pasilip pa lang ang inilabas sa YouTube channel ni Aster Amoyo.

Pero ito ‘yung naging pahayag niya, “Nasaktan ako ‘nung binasted ako.

“‘Nung minahal mo nang matagal tapos pinaasa ka, masakit ‘yun.”

Kamakailan lang ay umamin si Kylie sa pamamagitan ng “anonymous messages” sa Instagram stories na patuloy pa rin siyang nagmo-move on mula sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robinhood Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Ito naman ay kinumpirma mismo ni Kylie at Aljur sa magkahiwalay na social media posts.

Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang noong panahon na ‘yun.

Related chika:

Kylie Padilla sa pagmo-move on matapos masira ang married life: Getting there…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aljur Abrenica may magkaibang regalo kina AJ Raval at Kylie Padilla, ano kaya ito?

Aljur Abrenica inatake ng ‘golden bashers’ matapos mag-post ng cryptic message kasabay ng birthday ni AJ Raval

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending