Kylie Padilla sa pagmo-move on matapos masira ang married life: Getting there… | Bandera

Kylie Padilla sa pagmo-move on matapos masira ang married life: Getting there…

Pauline del Rosario |October 31,2022
facebook
share this

Kylie Padilla sa pagmo-move on matapos masira ang married life: Getting there…

Pauline del Rosario - October 31, 2022 - 12:13 PM

Kylie Padilla sa pagmo-move on matapos masira ang married life: Getting there…

PHOTO: Instagram/@kylienicolepadilla

PATULOY ang paghilom ng aktres na si Kylie Padilla matapos ang isang taong paghihiwalay sa ex-husband at aktor na si Aljur Abrenica.

‘Yan ang kanyang inamin matapos magtanong ang ilang netizens sa kanyang Instagram account.

Nagkaroon kasi ng question and answer portion sa kanyang Instagram stories sa pamamagitan ng “anonymous messages” at kabilang sa mga tanong ay ang, “are you fully healed?”

Sagot naman ng aktres, “Getting there. Hindi minamadali talaga.”

Sinundan naman ito ng isa pang tanong kung siya ba ay masaya.

Sabi ni Kylie, “I’m consciously making myself happy.”

May ngatanong pa kung may “trust issues” ang aktres at celebrity mom.

Sagot naman niya, “Trying to heal that din. Don’t want to be defined by these unfortunate things.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by k y l i e 🧿 (@kylienicolepadilla)

Kung matatandaan noong Oktubre ng nakaraang taon ay nagsalita ang si Aljur tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Sa isang Facebook post na ngayon ay burado na ay nakikiusap si Aljur na sabihin na ni Kylie ang totoo dahil hindi na raw niya kayan tiisin ang mga pangsisisi at akusasyon laban sa kanya.

Sabi niya sa post, “Tell them who cheated first.

“Tell them who you are with right now.

“Have the courage to settle this.

“Tell your dad the truth.

“If not for them, do it for our children.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)

Pero kalauna’y sinagot din ng aktres ang mga paratang sa kanya ng ex-husband at tinangging hindi siya nangaliwa sa kanilang pagsasama.

Sinabi rin ni Kylie na siya raw ay nasaktan sa FB post ni Aljur lalo na’t nag-usap na raw sila tungkol dito.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay kinumpirma ng ama ni Kylie na si Senador Robin Padilla na hiwalay na ang kanyang anak kay Aljur matapos ang dalawang taong kasal.

Samantala, bago ang mga pag-amin ay nauna nang mag-viral ang ilang litrato ni Aljur kasama ang aktres na si AJ Raval na siya ring umamin na nililigawan siya ni Aljur at nasa getting to know stage pa lamang.

Read more:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla tuloy ang fitness journey bilang single working mom: I don’t measure my weight anymore, I go by what I see

Kylie Padilla mas magiging ‘choosy’ na sa susunod na projects; kinakarir na rin ang pagiging single working mom

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending