Kylie Padilla mas magiging 'choosy' na sa susunod na projects; kinakarir na rin ang pagiging single working mom | Bandera

Kylie Padilla mas magiging ‘choosy’ na sa susunod na projects; kinakarir na rin ang pagiging single working mom

Ervin Santiago |August 30,2022
facebook
share this

Kylie Padilla mas magiging ‘choosy’ na sa susunod na projects; kinakarir na rin ang pagiging single working mom

Ervin Santiago - August 30, 2022 - 07:30 AM

Kylie Padilla magiging choosy na sa pagpili ng projects

Kylie Padilla

MAGIGING choosy na raw sa pagpili ng mga susunod niyang projects sa telebisyon at pelikula ang Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Ito’y dahil na rin sa tagumpay ng katatapos lang niyang teleserye sa GMA 7, ang “Bolera” kung saan nakasama niya bilang mga leading man sina Rayver Cruz at Jak Roberto.

Bukod sa super na-challenge at nag-enjoy daw ang celebrity mom sa nasabing primetime series ng GMA 7 ay nagkaroon pa siya ng mga bagong kaibigan sa katauhan ng mga nakatrabaho niya sa show.

Kaya ayon kay Kylie, wala naman daw sigurong masama kung mas magiging mapili na siya ngayon sa pagtanggap ng bagong projects.

View this post on Instagram

A post shared by k y l i e 🌙 (@kylienicolepadilla)


Pahayag ni Kylie sa ginanap na finale mediacon ng “Bolera”, talagang nagbago na ang “standard” niya matapos na gawin ang sports drama series.

Ang “Bolera” ang nagsilbing comeback series ng aktres sa Kapuso Network matapos magpahinga sa showbiz ng halos tatlong taon.

Mas inuna muna kasi ng estranged wife ni Aljur Abrenica ang pag-aalaga sa dalawang anak na sina Alas Joaquin at Axl Romeo.

At matapos nga ang breakup nila ni Aljur, nagdesisyon si Kylie na magtrabaho uli pa na rin sa kinabukasan ng mga anak.

“Nag-iba talaga siya. Actually ‘yung ganoong standard na hinahanap ko nag-iba talaga nu’ng nagka-baby na ako kasi ayokong masayang ‘yung time na nalalayo ako sa mga anak ko,” pahayag ni Kylie.

Dagdag pa ng Kapuso star at single working mom, “But because of Bolera, ibang klase ‘yung pagdidirek ni Direk (Dominic Zapata) and his photography.

“The way that he works is very different. Na-appreciate ko lang, mas nagbukas lang ‘yung mata ko at pag-iintindi ko sa craft namin na puwede pala ‘yun, na ganoong klaseng work na parang pelikula,” sey pa ni Kylie.

Samantala, nabanggit din ni Kylie na handa na uli siyang magtrabaho at tumanggap ng mga bagong projects dahil matagal-tagal na rin naman nilang natapos ang “Bolera”.

“It’s been a few months nu’ng last taping day namin so I think nakapag-recover na ako from Joni (karakter niya sa Bolera). I think I’m ready to work again.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nag-movie na ako kasama si Gerald (Anderson), may bagong character na akong ginawa so I think makakapag-move on na ako. Pero noong last taping day nalungkot talaga ako, hindi pa ako ready matapos,” aniya pa na mukhang kakaririn na talaga ang pagiging working nanay.

Kylie Padilla inatake ng matinding ‘sepanx’ matapos magpaalam sa lock-in taping ng "Bolera’: I was heartbroken…

Joshua ‘dyodyowain’ si Ivana: Choosy ka pa ba? Mabait, maganda, sexy, lahat na!

Hidilyn Diaz magbibigay ng suporta sa kanyang weightlifting community

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending