Kylie Padilla tuloy ang fitness journey bilang single working mom: I don’t measure my weight anymore, I go by what I see
HINDI na tsine-check ngayon ng Kapuso actress na si Kylie Padilla ang kanyang timbang pagkatapos niyang sumabak sa matinding pagwo-workout.
Nagbigay ng update ang celebrity mom sa kanyang social media followers tungkol sa tuluy-tuloy niyang fitness journey.
Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ng inspiring message ang estranged wife ni Aljur Abrenica para sa lahat ng mga taong may issue sa kanilang itsura at katawan.
Ayon kay Kylie, mahalagang ipaunawa natin sa ating sarili na iba-iba ang lifestyle ng isang tao o indibidwal at ang pagtanggap sa anumang hugis at itsura ng ating katawan
“Love your body how it is, then strive to improve it,” ang paalala ni Kylie sa mga netizens na isa ring advocate ng body positivity.
Sabi pa niya sa kanyang IG post, “I don’t measure my weight anymore. I go by what I see.”
Nabanggit din niya sa kanyang post ang ilan sa mga ginagawa niya bilang bahagi ng pang-araw-araw niyang fitness routine, kabilang na ang regular exercise at proper diet.
View this post on Instagram
“I make sure to get 30 minutes of exercise at least every day and I eat whole foods,” pagbabahagi ng Kapuso star.
Sa dati niyang IG post, ipinagdiinan ni Kylie na huwag na huwag magpapadikta sa ibang tao pagdating sa pag-aalaga sa katawan, lalo na sa mga tulad niyang working mom.
“As a woman in society, there is so much pressure to look perfect, whatever perfect means.
“I know I’m not the only one who can say that in my history with my body there were so many unhealthy ways I tried to lose weight,” she added. “Some were definitely self damaging.
“It’s not about being sexy. It’s about discipline, knowing how to eat, when to eat and how much to eat depending on what your body needs.
“It’s not about being hungry. Most of all, it’s about patience and acceptance. It’s about truly loving and respecting your body,” sabi ng aktres.
Sharon 6 years nang kinakarir ang fitness journey; nabiktima rin ng body shaming
Angel sasabak na sa pagda-diet: Please bear with me and wish me good luck!
Camille sa mga hindi natutuwa sa kanyang pagpayat: Wala akong nakikitang mali sa katawan ko
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.