Angel sasabak na sa pagda-diet: Please bear with me and wish me good luck! | Bandera

Angel sasabak na sa pagda-diet: Please bear with me and wish me good luck!

Ervin Santiago |June 09,2021
facebook
share this

Angel sasabak na sa pagda-diet: Please bear with me and wish me good luck!

Ervin Santiago - June 09, 2021 - 09:11 AM

“GAME na!” Ito ang nasa isip at puso ngayon ng Kapamilya actress at TV host na si Angel Locsin sa desisyon niyang sumabak na sa kanyang fitness journey.

Nagsimula nang sumailalim sa isang klase ng pagdidiyeta si Angel base na rin sa mga ibinahagi niyang litrato sa kanyang Instagram Stories kahapon.

Kuwento ng award-winning actress,  makalipas ang ilang taon ay susubukan niya ang isang diet food detox program mula sa isang clinic.

Makikita rin sa kanyang IG post ang mga pagkain na kailangan niyang i-consume sa first day ng kanyang pagdidiyeta.

“Mukha siyang konti because I’m on a 800-calorie diet and according to my nutritionist …’yun ang kailangan to achieve my goal,” pagbabahagi ni Angel.

Pakiusap pa niya sa kanyang mga fans and followers, “So please bear with me and wish me good luck.”

Nitong mga nakaraang buwan ay naging usap-usapan ang pagbigat ng timbang ng aktres lalo na noong maging host na siya ng Kapamilya show na “Iba Yan.”

May mga nam-bash sa itsura at katawan ng aktres ngunit mas marami ang humanga at nagtanggol sa kanya dahil sa ipinakita niyang tapang at paninindigan sa lahat ng mga ipinaglalaban niya, kabilang na ang body positivity.

Kung matatandaan, sinagot ni Angel ang ilang mga nangnenega noon sa kanyang katawan, “May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo.

“Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya. Kasi ako, wala akong problema.

“Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, e. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. E, ikaw, okay ka ba?” ani Angel.

Sa panayam naman ni Boy Abunda sa dalaga, sinabi niyang dahil sa kanyang spine injury noong 2015 ay may mga bagay siyang hindi na pwedeng gawin.

“Noong bumalik ako ng workout, umiyak ako, e. Naramdaman ko ‘yung mga hindi ko na puwedeng gawin. Dati kasi feeling mo superhero ka talaga, kaya mong gawin lahat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kailangan mong harapin na iba na. Hangga’t hindi mo natatanggap ‘yon, hindi ka mag-mo-move forward kasi, eh,” paliwanag pa ni Angel na itinuturing ngayon ng madlang pipol bilang real life Darna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending