Derek sa pag-aming siya ang nakipag-break kay Andrea: Gusto kong matahimik na dahil ikakasal na 'ko | Bandera

Derek sa pag-aming siya ang nakipag-break kay Andrea: Gusto kong matahimik na dahil ikakasal na ‘ko

Ervin Santiago |April 25,2021
facebook
share this

Derek sa pag-aming siya ang nakipag-break kay Andrea: Gusto kong matahimik na dahil ikakasal na ‘ko

Ervin Santiago - April 25, 2021 - 09:34 AM

BINABATIKOS na naman ngayon ang Kapuso hunk actor na si Derek Ramsay matapos magsalita tungkol sa paghihiwalay nila ni Andrea Torres.

May ilang netizens ang nagkomento tungkol sa nabanggit ni Derek na mga dahilan kung bakit nakipaghiwalay siya sa kanyang ex-girlfriend.

Para sa kanila, hindi na raw sana nagsalita pa ang fiancé ni Ellen Adarna tungkol kay Andrea na parang sinisisi pa nito ang dalaga at ang mga magulang nito sa kanilang break-up.

Sa panayam kasi ni Nanay Cristy Fermin kay Derek kamakailan, sinabi nito na siya talaga ang nakipag-break sa Kapuso actress sa pamamagitan lamang ng telepono.

Aniya, “Yung sa amin ni Andrea, it was actually may problema na nangyari na, I guess, nagbigay sa akin ng sign na, I think, this relationship we have, our views on this, yung problemang ‘yon, yung values namin, ng isa’t isa, is not the same.

“Hindi mali yung values niya, hindi mali yung values ko. Pero ganito ako pinalaki, ganoon siya pinalaki,” sabi pa ni Derek.

Dumepensa naman ang aktor sa mga nagagalit at nangnenega sa kanya at sinabing nagsalita lamang siya para matapos na ang issue at kung anu-anong ispekulasyon ng mga tao hinggil sa paghihiwalay nila ni Andrea.

“I did not really speak about it. ‘Di ako nagbanggit ng mga detalye, respeto ko ‘yun kay Andrea and sa parents ni Andrea.

“It’s just that Tita Cristy ask me the other day kung may kinalaman ba ang parents ni Andrea and I just answered honestly. Yes, I’ve always been honest. I didn’t give the details,” pahayag ng binata sa panayam ng GMA.

Ipinagdiinan din niya na hindi lang ang pamilya ng aktres ang rason ng paghihiwalay nila kundi pati na ang magkaibang pananaw nila sa buhay.

“I’m not saying mali sila kung narinig n’yo po ‘yung sagot ko. It’s more of values namin, we’re very different. I’m not saying my values are better than hers or hers is better than mine, mine is right and hers is wrong.

“It’s just that we were brought up differently and that’s what led it to break up because I don’t want to change her, she doesn’t wanna change me,” lahad pa ni Derek.

“Siguro nabanggit ko na kasi gusto ko na matahimik na lang, e, Kasi, I’m in a relationship now, I’m getting married, so I just want it all to be over and done with.

“I wake up every morning to all this stuff, ‘di ba, about that, parang I guess I just I want to put it to rest para matapos na.

“A lot of lies and a lot of hurtful things have said about me, about my family.

“So I guess, it’s more of like it was at that moment I was being very honest, true to Nanay Cristy, who I trust naman vey much and that’s why I answered her question,” patuloy pang paliwanag ng future husband ni Ellen.

Tumagal din ng isang taon ang relasyon nina Derek at Andrea bago sila naghiwalay last year. Nito lang January, 2021 nang mabalitang may “something” sa pagitan nina Derek at Ellen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makalipas lamang ang mahigit dalawang buwan, nag-propose na si Derek kay Ellen at ngayong taon na rin daw magaganap ang kanilang simple at intimate wedding.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending