Loisa Andalio sa breakup issue nila ni Ronnie Alonte: Walang maghihiwalay… | Bandera

Loisa Andalio sa breakup issue nila ni Ronnie Alonte: Walang maghihiwalay…

Pauline del Rosario |November 17,2022
facebook
share this

Loisa Andalio sa breakup issue nila ni Ronnie Alonte: Walang maghihiwalay…

Pauline del Rosario - November 17, 2022 - 03:17 PM

Loisa Andalio sa breakup issue nila ni Ronnie Alonte: Walang maghihiwalay…

PHOTO: Instagram/@iamandalioloisa

NAGSALITA na ang Kapamilya actress na si Loisa Andalio patungkol sa kumakalat na balitang hiwalay na umano sila ng longtime boyfriend at aktor na si Ronnie Alonte.

Kamakailan lang kasi, naging usap-usapan sa social media ang recent Facebook post ng aktres na may patama sa isang taong nangako na hindi tumupad.

Sey sa caption, “Promises are worse than lies, you don’t just make them believe, you also make them hope…(broken heart emoji)”

Dahil diyan sa post, mabilis na kumalat ang “breakup rumors” ng dalawa.

Kaagad namang nilinaw ni Loisa na hindi tungkol sa kanyang lovelife ang kanyang FB post.

Comment niya, “hahahaha hoy! hindi ito about sa lovelife.. kayo talaga (face with tears of joy emoji) (pleading face emoji)”

Sinundan pa niya ito ng mga katagang “walang maghihiwalay…” at tila may hint pang iniwan na magsasama ang celebrity couple sa isang event sa November 21.

So ayun na nga mga ka-bandera, matibay na matibay pa rin ang relasyon ng dalawa!

Bukod sa LizQuen at KathNiel, isa sa pinakamatagal na love team at real life couple sa showbiz industry ay sina Loisa at Ronnie.

Limang taon na nga sila together eh at going six years na ngayong November 26.

Matatandaang taong 2017 nang kinumpirma ng dalawa sa publiko na sila ay magkarelasyon na.

Nitong Mayo lang nang huli silang nagtambal sa Television series na “Love in 40 Days.”

Ang una nilang teleserye na pinagtambalan ay ang “The General’s Daughter” noong 2019, at sumunod naman diyan ang “Unloving U” noong nakaraang taon.

Related chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Loisa napaiyak sa presscon nang mapag-usapan ang kamatayan; Ronnie siguradong sa langit daw mapupunta

Hirit ni Ronnie Alonte kay Loisa Andalio: Magpapakasal kami at gagawa kami ng 7 na baby!

Loisa Andalio sumusumpang walang ipinaretoke sa mukha’t katawan: ‘Your body, your rules… Ayun lang po’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending