Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi | Bandera

Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglilihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Ervin Santiago - March 22, 2023 - 09:34 AM

Kris Bernal dinedma-dedma ni Aljur Abrenica; lumpiang togue ang pinaglihian sa unang baby nila ni Perry Choi

Kris Bernal at Aljur Abrenica

DEDMA ang hunk actor na si Aljur Abrenica sa pag-iimbita sa kanya ng dating ka-loveteam na si Kris Bernal kung pwede silang magkaroon ng collab sa kanyang YouTube channel.

Hindi diretsahang masabi ng Kapuso actress kung magkaibigan pa rin sila ni Aljur matapos mabuwag ang kanilang loveteam sa GMA 7 ilang taon na ngayon ang nakararaan.

Sumikat ang loveteam nina Kris at Aljur sa season 4 ng original artista search ng GMA, ang “StarStruck” noong 2006.

Sa guesting ng aktres at negosyante sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon, March 21, ibinuking niya na hanggang ngayon ay hindi umano sinasagot ni Aljur ang kanyang mga message kaya hindi niya masagot kung friends pa rin sila.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Kris Bernal (@krisbernal)


“Hindi niya ako nirereplayan. Ilang beses ko na siyang niyaya sa vlog ko, hindi niya ako nirereplayan. Nananawagan ako kay Aljur baka puwede tayong mag-collab,” ang panawagan ni Kris sa boyfriend ni AJ Raval.

May asawa na ngayon si Kris at mukhang happy na rin si Aljur sa piling ng kanyang dyowang si AJ kaya kung sakaling magsama uli ang dating Kapuso loveteam ay wala nang magiging issue.

Ayon kay Kris, sa kabila nang pangdededma sa kanya ni Aljur, palagi pa rin niyang sinasabi na ito ang kanyang favorite leading man. Nakagawa rin sila ng ilang teleserye sa  GMA tulad ng “Dapat Ka Bang Mahalin?”, “All My Life,” “The Last Prince,” “Coffee Prince,” at “Prinsesa ng Buhay Ko.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aljur Abrenica (@ajabrenica)


Sumusumpa naman ang aktres na hindi sila naging magdyowa ni Aljur, “Wala talaga. Loveteam lang talaga kami. Naparamdam nang konti pero hindi nag-work talaga as real-life couple. Talagang as a loveteam lang.

Baka Bet Mo: Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

“I guess, parang feel ko na naramdaman naman niya that time na parang hindi ako interested. At saka may times na hindi kami nagkakasundo.

“Sa totoo lang, may times na parang nag-aaway kami. Pero kailangan as a love team, sweet-sweetan kami. Alam na alam ng mga love teams yan. Kapag off-cam na, parang hmmm…pinagdaanan ko lahat yan,” ang pahayag ni Kris.

Samantala, inamin ng aktres na ang unang trimester ng kanyang pagbubuntis ang pinaka-challenging para sa kanya. Five months na ngayon ang sanggol sa kanyang sinapupunan.

Aniya, mixed emotions ang nararamdaman nila ng asawang si Perry Choi sa nalalapit na pagsilang ng kanilang panganay na anak.

Sey pa ni Kris, lumpiang togue ang pinaglihian niya noong nga unang linggo ng kanyang pregnancy.

Next month nakatakda ang gender reveal party para sa magiging baby nina Kris at Perry pero sey ng aktres, gusto raw talaga niya na babae ang maging panganay nila ng asawa.

Kris emosyonal sa muli nilang pagkikita ni Perry Choi: We’re both super afraid of COVID…thank you, Lord!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kris Bernal umiyak nang bongga nang ma-postpone ang kasal: Pero ang mahalaga tuloy pa rin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending