Vivamax bombshell Yen Durano napahagulgol sa presscon

Vivamax bombshell Yen Durano napahagulgol sa presscon ng ‘EKS’

Ervin Santiago |March 03,2024
facebook
share this

Vivamax bombshell Yen Durano napahagulgol sa presscon ng ‘EKS’

Ervin Santiago - March 03, 2024 - 10:02 AM

Vivamax bombshell Yen Durano napahagulgol sa presscon ng 'EKS'

Yen Durano at Albie Casiño

NAPAIYAK ang Vivamax bombshell na si Yen Durano sa naganap na presscon ng bago niyang project, ang sex-drama trilogy movie na “Eks”.

Hindi napigilan ng anak ng character actor na si DJ Durano ang mapahagulgol nang humarap siya sa mediacon ng naturang pelikula na tinawag ni Direk Roman Perez, Jr. na biggest budgeted and grandest movie ng Vivamax.

“Sorry kasi emotional lang talaga ako, iyakin lang, naniniwala kasi ako sa sarili ko and thankful ako dahil naniniwala rin sila sa akin, and hindi biro ang ini-invest nila sa akin,” ang pahayag ni Yen sa presscon ng “EKS.”

Patuloy pa niya, “Minsan hindi ako naniniwala na magaling ba talaga alo but at the end of the day, ayun, naniniwala sila sa akin.”

Baka Bet Mo: Paolo, Yen patuloy na binabatikos ng netizens; pati past statements binabalikan

Kasunod nito, nasabi naman ni Direk Roman na si Yen na raw ang susunod na Vivamax Queen kung saan makaka-level na niya sina AJ Raval, Angeli Khang at Azi Acosta.

“Next queen ng Vivamax, siyempre kinikilig ako. Alam ko na may bilib sa akin si Direk, ang dami kong reassurance na nakukuha kay direk Roman.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yen Durano ♡ 🧿🪬 (@yennybooo)


“I really reapect Direk for his work. Thank you Direk for always pushing me and believing in me and grateful ako sa opportunity na ito,” ang reaksyon naman ni Yen.

Aniya pa, “Someday, I gonna get there sa dream ko na yun. Hindi naman ako nagbi-Vivamax lang.”

Tatlong kuwento ang mapapanood sa “Eks”, kung saan magpapakitang-gilas nga si Yen sa iba’t ibang character.

“Naka-relate ako sa lahat ng character. Very raw ang emotions. Nu’ng pinitch pa lang sa akin, iniisip ko kung gagawin ko ba to but during sa shooting, I was happy so I know na tama ang choice ko,” aniya.

Walang dyowa ngayon si Yen kaya natanong siya kung anu-anong qualities ba ang hinahanap niya sa isang lalaki para pumasa bilang boyfriend.

“I want someone who is a provider, hindi lang looks. I need someone who is kind to everyone not only sa akin, someone na may words of affirmation, someone who gives me their time,” sey ni Yen.

Samantala, paghandaan n’yo na ang art of seduction…ng tatlong beses. Sisimulan ng Vivamax ang March na may tatlong mainit na kwento ng passion at romance sa iisang pelikula, ang “EKS.”

Baka Bet Mo: #Anyare: Yen Santos trending na naman matapos burahin ang Instagram posts

Yan ay pagbibidahan nga ni Yen Durano  kung saan magkakaibang karakter ang kanyang gagampanan, lahat sangkot sa pag-explore sa art of love and lust. Mapapanood ito sa Vivamax simula March 1.

Sa unang istorya na may pamagat na “Ekspresibo” mula sa direksyon ni Roman Perez, Jr., may isang viral sensation sa social media: ang parody version ng Mona Lisa painting na tinatawag na Lisa Mona. Ito ay painting ng isang Pinay-looking model na naka-pose kagaya ni Mona Lisa.

Tampok sa kwento si Ardo de Leon (Felix Roco), isang painter sa contemporary art scene. Karamihan sa kanyang mga likha ay nude paintings at sketches.

Si Lisa (Yen), isang magandang ramp model na kapangalan ng painting, ay mai-in love kay Ardo at maaanakan din siya nito, bagay na magdadala sa kanila ng mga kumplikadong pangyayari.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Albie Casiño (@thestallion09)


Ito ang kwento ng life at art ni Ardo kung saan masasaksihan natin ang kanyang sex adventures at hidden desires mula sa pananaw ni Lisa Mona.

Sa “Eksperto”, ang pangalawang kwento na idinirek ni Omar Deroca, si Lara (Yen) ay isang freelance influencer na matagumpay sa kanyang trabaho sa lifestyle magazines at online contents.

Ngunit sa likod ng kanyang kasikatan ay isang nakatagong katotohanan: nire-record niya ang kanyang sexual encounters sa kanyang “boy toys.”

Dahil hindi pa handang mag-settle down, mas inuuna ni Lara ang kanyang career. Kahit na may feelings siya para sa gwapong si Dex (Albie Casiño), isang friends-with-benefits relationship lang ang binibigay niya rito bilang kanyang “FUBU.”

Magbabago ang lahat nang ikalat ni Dex ang mga private videos nila ni Lara sa media, na nag-ugat sa nararamdaman nitong rejection mula kay Lara. Masisira ang image ni Lara dahil sa obsession ni Dex.

Sa kabila ng pagtraydor sa kanya, mag-aalangan si Lara at mapapaisip kung ano nga ba ang mas matimbang: ang pagkamit niya ng hustisya o ang kanyang nararamdaman para kay Dex?

Ang maganda at tomboyish na si Lilac (Yen), isang installation artist, ang sentro ng ikatlong istorya na mula sa direktor na si Sigrid Polon at may pamagat na “Eksperimento.”

Ang kanyang avant-garde works na nakatuon sa kababaihan at sex ay nagpasikat sa kanya sa local at international art scene.

Si Gabo (Itan Rosales), ang kanyang trainee, ay nai-in love na kay Lilac dahil sa pagiging mabait at sweet nito, kahit na ang meron lamang sila ay isang casual, no-strings-attached relationship.

Ang kanilang mundo ay biglang mababago nang dumating si Akio (Audrey Avila), isang sexually adventurous na babae na magpapamulat ng mga panibagong pantasya kay Lilac. Habang binubuo ni Lilac ang kanyang bagong proyekto na “Lilim,” na isang malaking pugad sa gubat kahawig ng isang lady part, titindi ang tensyon sa pagitan nina Gabo at Akio para sa kanyang atensyon.

Magiging feeling empowered si Lilac sa kumpetisyon ng dalawa. Yayayain niya sina Gabo at Akio na sabay-sabay nilang yakapin ang konsepto ng intimacy nang walang commitment, na magdadala sa kanila sa isang threesome isang gabi.

Bakit nga ba pipili si Lilac sa dalawa kung pwede naman niyang makuha pareho?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatlong wild adventures, lahat mapapanood sa isang kaakit-akit na masterpiece. Alamin kung paano matatapos ang tatlong kwento sa pamamagitan ng pag-stream sa “EKS” sa Vivamax simula March 1.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending