Roman Perez binansagang ‘Cult Director’, type gawan ng remake ang ‘Virgin People’ nina Pepsi Paloma at Myrna Castillo
SANDAMAKMAK na hubaran at iba’t ibang klase ng sex scene ang mapapanood sa bagong pelikula ng Vivamax, ang “Putahe” na pinagbibidahan ni Ayanna Misola.
Ito ang bagong project ni Direk Roman Perez, Jr. na kilalang-kilala na ngayon bilang “Cult Director” dahil sa mga blockbuster movies niya sa Viva Films.
Ayon kay Direk Roman, tribute niya raw ang “Putahe” sa pumanaw na award-winning direktor na si Celso Ad. Castillo na isa sa mga idol niya sa larangan ng pagdidirek.
Maswerte raw siya dahil nakatrabaho at nakilala niya nang lubos si Direk Celso na self-proclaimed Messiah of Philippine Movies na namatay noong Nov. 26, 2012.
“Naka-work ko si Tito Celso bago siya namatay. Nag-assistant director ako sa kanya sa isang experimental film. Siya ang nag-produce, nakakuha siya ng producer, and then isinali niya ako,” pahayag ni Direk Roman sa online mediacon ng “Putahe” last Monday, April 25.
“Sabi niya, ‘Halika ka, sali ka.’ Sumali naman ako kasi nagka-work kami sa TV5, sa Babaeng Hampaslupa (February, 2011). Nag-assistant director ako sa kanya.
“So, tuwang-tuwa ako noon. Fan mode ako. Sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko si Tito Celso,” aniya pa.
At kung may isang pelikula raw si Direk Celso na gusto niyang gawan ng bagong version, yan ay ang “Virgin People” na isa sa mga pinakontrobersyal na pelikula ni Celso na ipinalabas noong 1984. Ito’y pinagbidahan nina Pepsi Paloma, Myrna Castillo at Janet Bordon
View this post on Instagram
“Gusto kong gawin yung Virgin People. Sa lahat, Virgin People ang gustung-gusto kong gawin. Kasi yung Putahe, parang may texture ng Virgin People dahil tungkol din sa isang island girl.
“Sabi nga ng musical director ko, parang pinaghalong Virgin People at Sin Island ang Putahe. Sabi ko, oo, kasi malaking impluwensiya sa akin ang mga pelikula ni Tito Celso kaya sobrang thankful ako dahil nakatrabaho ko siya.
“Sana kahit paano, meron akong napulot o nagawa na galing sa kanya. Sobrang happy na ako,” aniya pa.
Samantala, tinatawag nga ngayong “Cult Director” si Direk Roman matapos kumita at pagpiyestahan sa Vivamax ang mga sexy at violent movies niya.
“Niyakap ko na lang siya, hindi ko alam kung bakit. Cult director, siyempre sa branding. Sabi ko, ‘Cult director? Ano ba yun?’ Sabi nila, ‘May following ka,’” lahad ng direktor.
“Okay, sige, niyakap ko siya nang buong-buo. Ang sabi kasi ng ibang film reviewers, saka film critics na nakausap ko, yung mga pelikula ko, e, nagkakaroon ng fandom.
“Meaning, yung Adan (2019), cult film siya. Yung mga nakapanood ng Adan, kung lalake ka, kung hindi mo ito napanood, ay hindi ka lalake. May ganoon siyang fandom… underground.
“Yung Taya (2021), meron siyang fandom. Hanggang ngayon meron siyang fandom. So, du’n na siya na-relate, ang mga ginagawa kong pelikula, nagiging cult film, so ngayon cult director ako.
“Hindi ko alam, baka branding ito, pero niyakap ko na siya. Natutuwa rin ako dahil na-tap ko yung masa. Nayakap natin yung mga gusto ng masa.
“Baka yun ang naging key, nagkaroon ka ng fandom at naging kulto sila dahil kapag narinig nila yung Roman Perez Jr., alam na nilang may gagawin ako na kakaiba,” aniya pa.
Samantala, sa kuwento ng “Putahe” gaganap si Ayanna bilang Jenny, ang babaeng taga-isla na may malaking pangarap sa buhay. Magiging masugid na tagahanga siya ng isang dayo sa isla na magaling magluto. Mapapansin rin naman siya nito dahil sa kakasunod niya dito.
Si Euka ay ginagampanan ng Miss Philippines Earth 2019 na si Janelle Tee at pauunlakan niyang turuan si Jenny ng pagluluto. Ngunit higit pa roon, siya ang magpapatikim kay Jenny ng unang karanasan sa sex. Ito ang lekyson na hinding-hindi maliliimutan ng dalaga.
Simula noon, hindi na mapigilan ni Jenny na sumiping sa kanyang nobyo na si Ephraim (Massimo Scofield). Habang tuluyan nang nawawala ang kanyang pagka-inosente, tila mawawala naman ang interes ni Ephraim sa kanya. Kumbinsido na may kagagawan dito si Euka, may bagay na gagawin si Jenny na hindi aakalain ng iba na kaya niyang gawin.
Panoorin ang “Putahe” sa Vivamax sa May 13.
https://bandera.inquirer.net/302208/bwelta-ni-roman-perez-sa-nanlalait-sa-kanyang-pelikula-panoorin-muna-at-kapag-basura-doon-nyo-kami-awayin
https://bandera.inquirer.net/296288/diego-loyzaga-tuloy-ang-pagpapa-yummy-salmon-lang-or-chicken-breast-ang-kinakain-ko
https://bandera.inquirer.net/301679/hugas-siklo-ni-direk-roman-perez-pambuena-manong-pasabog-ng-viva-films-sa-2022
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.