Sid Lucero patindi nang patindi ang paghuhubad sa pelikula; Stephanie Raz, Millen Gal 'battle of the boobs' sa 'Kahalili' | Bandera

Sid Lucero patindi nang patindi ang paghuhubad sa pelikula; Stephanie Raz, Millen Gal ‘battle of the boobs’ sa ‘Kahalili’

Ervin Santiago |August 16,2023
facebook
share this

Sid Lucero patindi nang patindi ang paghuhubad sa pelikula; Stephanie Raz, Millen Gal ‘battle of the boobs’ sa ‘Kahalili’

Ervin Santiago - August 16, 2023 - 07:15 AM

Sid Lucero patindi nang patindi ang paghuhubad sa pelikula; Stephanie Raz, Millen Gal 'battle of the boobs' sa 'Kahalili'

Stephanie Raz, Sid Lucero, Millen Gal, Bobby Bonifacio at Victor Relosa

GRABE! As in grabe talaga ang napanood naming latest Vivamax Original movie na “Kahalili” na pinagbibidahan ng mga palabang hubadera na sina Stephanie Raz at Millen Gal, kasama si Sid Lucero.

Naku, siguradong may pagpipiyestahan na naman gabi-gabi ang mga kalalakihang mahilig sa mga Vivamax movies kung saan sandamakmak talaga ang mga sex scenes.

Ito na yata ang pelikulang mula simula hanggang katapusan ay may mga matitinding halikan at dyugdyugan kaya naman sure na sure kami na hindi mabibitin ang mga viewers at subscribers ng Vivamax.

In fairness, kung palaban sa mga love scenes sina Stephanie at Millen sa movie ay hindi n’yo rin kakayanin ang mga pinaggagawa ni Sid sa “Kahalili” dahil tumodo rin ang award-winning actor sa kanyang mga maiinit at mapangahas na eksena.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephanie (@stephanieraz_)


Bukod sa ilang beses na pagpapakita ng kanyang pwet at todo halinghing din si Sid sa orgy scene nila nina Stephanie at Millen, lalo na nang mag-sex sila nang may blindfold.

Pero in fairness, uli bukod sa mga nakakaloka at nakakawindang na dyugdyugan ng mga bida, may ipinaglalaban din naman ang bagong psychological thriller-sexy drama ng Vivamax, mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr..

May konek din kasi ito sa mga epekto ng paggamit ng bawal na gamot at panloloko ng kapwa. Tungkol din ito sa pagbubuntis sa pamamagitan ng surrogacy.

Iikot ang kuwento ng “Kahalili” sa isang dalaga na napapayag maging surrogate mother para sa mayamang mag-asawa. Tama nga bang ipagkatiwala niya ang kanyang buhay at ang buhay ng isang sanggol sa kanila?

Baka Bet Mo: Cindy Miranda hinding-hindi makikipag-sex sa loob ng kotse: Baka mahuli pa ako, di ba?

Siya si Martha, 20 taong gulang at namamasukang katulong nina Rod (Sid) at Isabel (Millen Gal) na may-ari ng isang farm house. Kalaunan, nakiusap sa kanya ang mag-asawa na siya ang magdadala ng kanilang anak. Hindi sila gagamit ng teknolohiya, kundi magsisiping sila ni Rod para makabuo ng bata.

Natitipuhan ni Rod si Martha, kaya hindi lamang ito trabaho para sa kanya. May pagka-misteryoso ang kanyang amo na si Rod, pero mapapansing masunurin ito sa mga hiling ng kanyang asawa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Stephanie (@stephanieraz_)


Samantala, may pagkakatulad naman sina Isabel at Martha. Si Isabel ay mukhang mahiyain at ‘di makabasag-pinggan. Panatiko si Isabel ng mga bagay na may kaugnayan sa relihiyon at naniniwala siyang dapat nagpapasakop ang babae sa kanyang asawa. Pero ang totoo, siya ang nasusunod sa kanilang tahanan.

Gaya ng inaasahan, magdadalang-tao na si Martha, pero ang hindi nila inakala ay ang mapamahal sa kanya ang batang ipinagbubuntis niya. May pakiramdam din si Martha na may masamang balak sa kanya ang mag-asawa.

Habang nag-aalala siya para sa kanyang kaligtasan, nanunumbalik kay Martha ang kanyang mapait na nakaraan na kailangan niyang ilihim kina Rod at Isabel.

Mapapanood na ang “Kahalili” sa Vivamax simula Agost 18. Kasama rin dito sina Victor Relosa at Mercedes Cabral na napakagaling din sa pelikula.

Palabang sexy star na si Stephanie Raz puring-puri si Vince Rillon sa mga ginawa nilang sex scenes

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sid Lucero naranasan nang makipag-sex sa loob ng kotse; Nathalie Hart na-shock: OMG! You’re so wild!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending