Sid aminadong na-‘starstruck’ kay Vic Sotto: ‘Kinikilig ako the whole time!’
ANG tarush ni Sid Lucero dahil dalawa ang pelikula niyang kasama sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), ang “The Kingdom” at ang “Topakk.”
Kaya natanong kaagad siya sa mediacon ng “The Kingdom” produced ng MQuest Ventures Inc, M-ZET TV Productions, at APT Entertainment Inc noong November 29 kung saang float siya sasakay at mabilis naman niya itong sinagot na sa pelikulang pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Vic Sotto.
Pero sa katatapos na mediacon ng “Topakk” na handog ng Nathan Studios kagabi (Nov. 4) ay nabanggit ni Sid na kapag pauwi na o pabalik na ang float ay makiki-join na siya kina Arjo Atayde at Julia Montes para balance siya sa dalawa niyang pelikula.
Going back sa “The Kingdom” ay inamin ni Sid na first time niyang maka-work ang nag-iisang Bossing Vic Sotto kaya starstruck siya.
Baka Bet Mo: Vic sa mga naninira kay Vico: Yung style na bulok ‘di na uubra sa Pasig
Good thing na drama ang karakter niya dahil kung comedy ay hindi siya makakasabay.
“Wala akong experience sa kanya working sa comedy. Saka kung makasama ko siya sa comedy, hindi ako makakasabay. Medyo mabagal ‘yung utak ko diyan e.
“Pero sa akin lang, it’s an honor. Hindi ko alam kung ito ‘yung una niyang drama, tapos ako pa ang nakaeksena niya. Sa akin ‘yun e… meron akong eksena na nagawa na napasilip ako. ‘Ano ‘yung ginagawa niya, grabe! Kinikilig talaga ako e, the whole time,” masayang tsika ng premyadong aktor.
Speaking of drama ay mapapasabak naman siya sa “Topakk” movie ni Arjo mula sa direksyon ni Richard Somes at higit sa lahat, super enjoy siya sa set ng pelikula nila dahil lahat ng kaibigan niya ay kasama niya at para lang daw silang naglalaro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.