Arjo, Julia buwis-buhay sa MMFF 2024 entry na 'Topakk'

Arjo, Julia buwis-buhay sa MMFF 2024 entry na ‘Topakk’: Sugat, hiwa!

Ervin Santiago - November 27, 2024 - 06:00 AM

Arjo, Julia buwis-buhay sa MMFF 2024 entry na 'Topakk': Sugat, hiwa!

Arjo Atayde, Julia Montes, Sylvia Sanchez Will Fredo at Richard Somes

BUWIS-BUHAY ang mga maaaksyong eksena nina Arjo Atayde at Julia Montes sa Metro Manila Film Festival 2024 official entry na “Topakk”.

Ito ang magsisilbing reunion project ng dalawang Kapamilya stars na unang nagsama noong 2020 para sa ABS-CBN mini-series na “24/7.”

And this year nga ay muli silang mapapanood sa action-packed movie na “Topakk” mula sa direksyon ni Richard Somes na ipalalabas na sa December 25, bilang bahagi ng 50th edition ng MMFF.

Base sa trailer na napanood namin, talaga namang napalaban sa matitinding drama at action scenes sina Arjo at Julia na siguradong magbibigay sa kanila ng malakas na laban sa pagiging best actor at best actress sa taunang filmfest.

Baka Bet Mo: Cast ng MMFF 2024 entry na ‘Topakk’ yakapan, iyakan sa watch party

Iikot ang kuwento ng “Topakk” sa buhay ng dating special forces agent (Arjo) na nagkaroon ng post-traumatic stress disorder (PTSD) at mai-involve sa karakter ni Julia na hinahanting ng corrupt police death squad na nasa likod din ng isang drug cartel.

“I don’t wanna spoil pero nagkasugat-sugat. May mga hiwa-hiwa. May mga pasa. Thank God, hindi nabalian ng buto,” ang pahayag ni Arjo sa isang panayam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Nathan Studios Inc. (@nathan.studios)


“We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story kaya ang hirap mag-no kay direk Richard.

“It’s a very well thought of concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with Direk Richard,” saad pa ng aktor at public servant.

At bilang paghahanda sa kanyang super challenging na karakter, “I watched videos sa YouTube about people suffering from PTSD. I studied my role. Nung binigay sa akin ang role, I told direk na mag-send ng videos sa akin and I watched them bago matulog.

“‘Yun ang assignment ko. At least once a day, either day or night, make sure to watch these videos,” sabi pa ng kongresista.

Paano ba ilalarawan ng internationally-acclaimed actor ang titulo ng kanilang MMFF 2024 entry produced by Nathan Studios na pag-aari ng Atayde family sa pamumuno ng award-winning actress-producer na si Sylvia Sanchez?

“Topakk, for me, is ‘yung usual na init ng ulo, or sorry for the word, ‘yung sira-ulo. Pero lahat ba ng may topak ay sira-ulo talaga? Maybe they are misunderstood. Maybe there are no enough support,” ani Arjo.

Ito naman ang description niya kay Julia bilang co-star, “Sobrang galing and professional ni Julia. Ito, kakaibang Julia talaga. Trust me. Her character. Her words.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ang daming bago sa kanya rito. She really brought her A-game. Ang galing n’ya. She really did something different. Lalo na sa action scenes niya,” sabi pa ni Arjo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending