Cast ng MMFF 2024 entry na ‘Topakk’ yakapan, iyakan sa watch party
SA WAKAS, napanood na rin ng cast members ang pelikula nilang “Topakk” na isa sa 10 official entry sa Metro Manila Film Festival 2024.
Ito’y pinagbibidahan nina Congressman Arjo Atayde at Julia Montes kasama sina Sid Lucero, Enchong Dee, Kokoy de Santos, Vincent Abrenica, Bernard Palanca at marami pang iba.
In fairness, matagal hinintay ng mga artistang kasama sa “Topakk” na mapanood ang pinaghirapan nilang movie dahil dinala nga muna ito sa ibang bansa.
Kaya naman nang sabihin ng Nathan Studios na pag-aari ng pamilya Atayde, sa pangunguna ng award-winning actress na si Sylvia Sanchez, na magkakaroon ng cast screening ang “Topakk” ay talagang na-excite ang lahat.
Baka Bet Mo: Sikat na celebrity may hugot sa kilalang aktor: Ang hilig niyang mamikon, tapos siya pikon!?
Nagmistulang reunion ang naganap na watch party sa Mowelfund dahil dumating ang halos lahat ng cast kasunod ang umaatikabong kuwentuhan at chikahan over lunch.
At nang magsimula na nga ang movie bigla nang tumahimik ang lahat. At knows n’yo ba? Walang tumayo para umihi dahil na-hook na ang lahat sa panonood. Baka raw kasi may ma-miss silang eksena kapag nag-CR break sila.
Nagpapalakpakan ang cast sa mga pasabog na eksena at tawanan naman sila sa mga nakakaaliw na dialogue. Hindi rim maiwasan ng karamihan ang maiyak sa madadrama at tagos sa pusong mga tagpo.
Pagkatapos ng movie ay proud na proud ang lahat sa pinaghirapan nilang proyekto. Nagkamayan pa sila at nagyakapan.
Nagkaisa ang lahat sa pagsasabing excited na silang mag-promote ng “Topakk” para sa darating na MMFF 2024 mula sa direksyon ni Richard Somes.
Sabi naman ng producer ng movie na si Sylvia Sanchez, “Masarap mag-produce kapag nakikita kong magaling ang mga artista.”
Ayon naman kay Arjo tungkol sa kuwento ng “Topakk”, “We have a very important message to send sa audience. Very interesting ‘yung story kaya ang hirap mag-no kay direk Richard.
“It’s a very well thought of concept by direk Richard. I’m just lucky to be on board, to be doing a project with direk Richard,” sey ng kongresista sa isang interview.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.