Julia Montes may patama sa mga taong sinisiraan siya, sino kaya ito?
GUMAGAWA ng ingay sa social media ang latest Instagram Story ng aktres na si Julia Montes.
Paano ba naman kasi, agaw-pansin ang tila pa-blind item niya na tungkol sa isang tao na dati raw niyang tinulungan, pero ngayon ay sinisiraan na siya.
“Tinutulungan mo noon! Sinisiraan ka na ngayon! Saklap ‘diba!” caption niya sa post.
Mababasa rin na may patama pa ito sa taong tinutukoy niya na ang sabi ay: “Oo ikaw alam mo kung sino ka [face with hand over mouth, face blowing a kiss emojis].”
Aniya pa, “Mga tao talaga [monkey covering face, zany face emojis].”
Baka Bet Mo: Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman
Dahil diyan, maraming netizens ang nag-react at may ilan pang nakaka-relate.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Ganyan talaga buhay tinulungan mo noon kinakalaban kana ngayon [thunder emoji].”
“Sigurado akong mga tsismosang netizens ‘yan na naniniwala sa mga Fake News at Satire Fake Quotes, o kaya naman isang alagad ni Cristy Shrek Lucifermin.”
“Binigyan noon, pagtalikod siraan ka [laughing emoji] Kapal ng facelak! [laughing emoji]”
“Oh ‘diba kahit artista nakakaranas hahahaha, wala talaga pinipili ang mga inggitera at felingera haha!”
Magugunita noong nakaraang buwan lamang nang maging usap-usapan si Julia at ang rumored boyfriend nito na si Coco Martin.
Ito ay matapos mag-viral ang litrato ng aktres kasama ang isang batang babae na tila nasa edad lima na dumating sa airport ng Puerto Princesa, Palawan.
Bukod sa tsikiting, kasama rin sa picture si Sam Milby bilang sisimulan na nila ang shooting para sa pagbibidahang serye na “Saving Grace.”
Naging agaw-pansin ang batang babae at si Julia sa litrato kaya muling nabuhay ang chikang may anak sina Coco at ang aktres.
Pero agad namang nilinaw na ang batang babae ay kasama rin sa mga bibida sa serye.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.