Alora Samsam pinagsabihan ang netizen

Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman

Pauline del Rosario |December 17,2023
facebook
share this

Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman

Pauline del Rosario - December 17, 2023 - 10:23 AM

Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman

PHOTO: Instagram/@alorskieee

AGAW-PANSIN sa social media ang naging sagutan ng isang netizen at ng komedyana na si Alora Sasam kaugnay sa hiwalayang KathNiel.

Sa TikTok, proud na ibinandera ni Alora ang hot video ng kaibigang aktres na si Kathryn Bernardo habang nagpe-perform solo on stage sa Christmas Special ng ABS-CBN.

Mapapanood na talaga namang hot na hot ang award-winning actress habang sinasayaw ang hit single na “Water” by Tyla.

Kalakip niyan ang ang mga papuri ng komedyana kay Kath.

Wika niya, “The kindest. Most professional Queen [queen emoji] proud of you @Kath Bernardo pakahirap mag-cheer and kuha ng video ng sabay [giggling emoji].”

Baka Bet Mo: Joshua Garcia tinuksu-tukso ni Alora Sasam: Konti pa lang ang lalaking nakakita ng bilbil ko, so pwede na ba tayo ma-link?

@alorskieee Hot water🔥 The kindest. Most professional Queen👑 proud of you @Kath Bernardo ♬ original sound – alorskieee

Sa comment section, maraming fans ang sumang-ayon sa naging caption ni Alora, pero hindi rin talaga maiiwasan ang ilang hate comments.

May isang netizen pa nga ang nag-bring up ng tungkol nanaman sa breakup ng KathNiel at tila pinaparangalan pa ang komedyana.

“Alora sana maging maayos kang kaibigan sa dalawa na sana mapayuhan mo ng ayos at ‘wag panghimasukan ang dapat pang himasukan,” sey ng TikTok user.

Sumagot naman diyan si Alora at sinabing, “If alam mo rin ang nalalaman ko po, ‘di ito comment mo.”

“Try mo critical thinking [smiling face emoji] Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman [winking emoji] God bless!” ani pa ng aktres.

Nag-reply ulit ang nasabing netizen, “Ang sakin lang tulungan mo maayos yung dalawa para walang nasasaktan na tao Godbless po”

Alora pinagsabihan ang netizen: ‘Wag panghimasukan kapag wala kang nalalaman

PHOTO: Sreenshot from TikTok/@alorskieee

Magugunitang naging usap-usapan din sa social media si Alora matapos ang official breakup ng ex-lovers na sina Kathryn at Daniel Padilla.

Marami kasi ang naintriga sa mahaba niyang post kung saan ay humingi siya ng sorry sa dalawa.

Kanya-kanyang hula ang netizens kung ano nga ba ang kasalanang nagawa niya dahil base sa kanyang post ay parang may “something” na nangyari sa kanilang tatlo sa Thailand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Noong November 30 nang kumpirmahin nina Kath at DJ na nag-break na sila matapos ang 11 years nilang mag-dyowa

Gayunpaman, makikita recently sa kanilang public appearances na maayos ang kanilang relasyon kahit hiwalay na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending