Kathryn naging 'Christmas savior' ni Alora Sasam: Thank you Mami! Love you! | Bandera

Kathryn naging ‘Christmas savior’ ni Alora Sasam: Thank you Mami! Love you!

Ervin Santiago |December 27,2021
facebook
share this

Kathryn naging ‘Christmas savior’ ni Alora Sasam: Thank you Mami! Love you!

Ervin Santiago - December 27, 2021 - 03:29 PM

Alora Sasam at Kathryn Bernardo

MAS naging masaya at makabuluhan ang pagse-celebrate ng Pasko ng Kapamilya comedienne na si Alora Sasam ngayong taon kahit pa wala siya sa sarili niyang bahay.

Salamat sa BFF niyang si Kathryn Bernardo na nag-imbita sa kanya na doon magdiwang ng Pasko sa bahay nila kasama ang buong Bernardo family.

Ayon kay Alora, tanggap na niya na magiging mag-isa lamang siya nitong nagdaang Christmas ngunit bigla ngang naging mas merry at meaningful ang kanyang Pasko dahil kay Kathryn.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Alora sa madlang pipol kung gaano siya ka-thankful sa girlfriend ni Daniel Padilla at sa pamilya nito na tinawag pa niyang “Christmas savior” dahil sa kabaitan at pagmamagal na ipinararamdam sa kanya.

“I was okay being alone on Christmas day. Pero sabi niya ‘wag. My Christmas savior. Thank you mami! Love you. Regalo mo na sa akin presence mo at ng family mo,” ang caption ng komedyana sa kanyang IG post.

Todo rin ang pasasalamat niya sa pamilya ni Kathryn na talagang itinuring na rin siyang parang tunay na kapamilya na habangbuhay daw niyang dadalhin sa kanyang isip at puso.

“Thank you Bernardos for opening your home to me (especially your kitchen) on Christmas Day. Ang simple pero saya niyo po ka-bonding! Wishing you all good health always. Nagmahahal, ang inyong Christmas ampon,” pahayag pa ni Alora.

Base sa mga nakaraang Instagram post ng dalaga, hindi pa rin daw siya makakabalik sa bahay nila sa Iligan, Lanao del Norte para doon mag-celebrate ng holiday season. 

View this post on Instagram

A post shared by alora sasam (@alorskieee)


Nagsimula ang magandang friendship nina Kathryn at Alora nang magkatrabaho sila sa digital movie series ng Star Cinema na “The House Arrest of Us” noong 2020. Ito’y pinagbidahan nina Kathryn at Daniel Padilla kasama sina Herbert Bautista, Ruffa Gutierrez, Gardo Versoza, Arlene Mulach at Dennis Padilla.

View this post on Instagram

A post shared by alora sasam (@alorskieee)

https://bandera.inquirer.net/282935/alora-pangarap-makatrabaho-si-charo-santos-parang-world-of-the-married-ako-yung-kabit

Daniel aminadong nagkamali noon kay Kathryn

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending